Chapter 10: Good/ Bad Influence

86 9 0
                                    

Warning for this part. Thanks... As you read the title of this chapter...

10: Good/ Bad Influence

NANDITO KAMI ngayon sa bahay nila Rene. Sabado na kasi ngayon kaya eto, dito kami gumagawa ngayon ng research namin. Kami nila Karyn at Mariam ang magkasama sa isang side ng table tapos katapat namin si Rene.

Laptop ni Mariam ang gamit naming tatlo tapos si Rene ay pag-aari niya. Nakagitna si Mariam sa 'min. Siya ang nagpipindot ng laptop tapos kami ni Karyn dito ay taga-cheer este nagsasabi ng aming mga suggestions habang nag-ta-type siya.

Ni-connect ni Rene sa WiFi nila ang aming mga cellphone. Habang wala akong maitulong kay Mariam, nag-se-search na 'ko ng RRL (review of related literature) t'saka studies na rin na connected sa title namin. Ang hirap pala maghanap nito. Sa chapter 2 pa naman ito kasi chapter 1 palang naman ang ipapapasa niyan kay Ma'am.

"Patugtog lang ako, ayos lang sa inyo?" tanong ni Rene at pumayag naman kaming tatlo. May kinalkal lang siya sa cellphone niya at nagpatugtog na siya.

🎶 One way, Jesus! You're the only one that I could live for
You are the way, the truth and the life
We live by faith and not by sight for You

Nakakaindak naman 'yong tugtog pero narinig ko ang name na Jesus.

Ano ba ang pagkakaiba ni Jesus sa Diyos? Ang naalala ko lang kasi Anak daw si Jesus ng Diyos. Pero bakit parang tinuturing ding Diyos si Jesus?

What am I thinking about? Napahilamos na lang ako ng mukha.

Natapos na ang tatlong oras na tutok kami sa gadget dahil sa research, nagpahinga muna kami. 'Yong Mama ni Rene ay lumapit sa 'min at inutusan na mamaya na kami mag-resume. Sinundan namin siya ng lakad tungo sa dining room nila. Naupo na kami sa mesa. Tatlo kaming magkakatabi at nasa harap namin si Rene. Ayo'ko na tumabi sa kanya 'no kahit crush ko pa.

"Ano'ng verse ang journal niyo today?" tanong ni Rene kina Mariam at Karyn. Sa kanila lang talaga kasi hindi naman na ako nakiki-join pa sa Bible study lalo na at nandito na si Yari, magka-schoolmate kami.

Wala pa ang Mama ni Rene. Lumingon ako at nakita ko siyang nagluluto. Naamoy ko iyon. Amoy na amoy sa paligid ang adobo na kanyang niluluto. Sigurado na masarap ang luto ng Mama niya.

"Sa 'kin ay 'yong sa Luke 16:13 about sa hindi natin kaya mag-serve sa 2 masters. We can't serve God and money, God and this world, God and sin, etc. kasi may pipiliin tayong isa lang at doon magiging tapat." Si Karyn ang unang nagsalita.

"Iyong sa 'kin naman ay sa 2 Corinthians 3:17. Now the Lord is the Spirit, and where the Spirit of the Lord is, there is freedom," sabi naman ni Mariam.

"Wow, memorize," humahangang sabi ni Karyn.

"What we expect on Mariam?" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Rene.

Si Mariam ay parang nahiya nang kaunti. "Kayo talaga. Maikli lang 'yon."

"Mga anak, kain na tayo!" Napalingon kami sa Mama ni Rene. Tinawag na rin niya ang Papa ni Rene at ang isang kapatid ni Rene.

"Sino ang mag-pe-pray?" tanong ng Papa ni Rene sa 'ming lahat. "Hmm... Ikaw na lang, Yan-yan." Tinuro niya ang kapatid ni Rene.

"Bakit ako?" takang tanong ni Yan-yan.

"Nahihiya ka lang sa mga bisita natin 'no?" natatawang sambit niya. "Rene, ikaw na lang."

"No worries."

Yumuko silang lahat at pumikit. Yumuko lang ako at hindi pumikit. Pinagmasdan ko lang ang kanilang mga itsura habang nagdadasal. Mga seryoso sila sa pakikipag-usap sa Diyos. Nagtagal ng isang minuto siguro ang prayer nila at nagsimula na kaming kumain.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon