27: Struggle
NANDITO NA ako sa k'warto namin ni Lola. Tapos na kaming kumain; katatapos ko rin maghugas at maglinis. Naka-puwesto na 'ko sa may mesa at upuan dito. May mesa rin kasi ako para sa pag-aaral. Gawa ito sa kawayan. Nag-search na 'ko ng para sa assignment ko pero wala akong signal. Naka-bi-believe ang cellphone na 'to kasi tatlong taon ko na ring ginagamit. Nagpaalam ako kay Lola na lalabas para maghanap ng signal. Sanay naman na ako na ganito dahil hindi naman ako laging nakiki-connect kina Yarianna-- kahit saan talaga, naalala ko siya.
Sana p'wede kaming maging friends ulit kaso ang labo ngayon...
Nandito ako ngayon sa may tabi ng bahay namin ni Lola. Naupo ako sa may isang malaking bato. Napatingin ako sa taas; kitang-kita ang buwan na hugis saging, at iilang bituin. Nilipat ko na ang tingin ko sa cellphone; nagsimula na 'kong mag-search. Si-ne-save ko as offline pages ang lahat ng na-search ko para sa loob na ako magsusulat ng kailangan sulatin para sa assignment. Pagkatapos kong ma-search ang lahat ng kailangan ko, nag-check balance ako kung ilang MB pa ang natira sa load ko. Meron pa naman kaya i-se-search ko na ang habit na 'yon...
Hindi ako nakatingin sa phone habang nag-ta-type ng tanong sa may search bar. Hindi ko mapaliwanag ang shame na nararamdaman ko dahil alam ko ang bagay na 'to. Pakiramdam ko, nakakahiya 'to sa babae. Ang karamihang issue na ganito sa pagkakaalam ko ay lalaki. Napabuntong-hininga ako. Nanginginig ang kamay ko habang unti-unting nabubuo ang tanong na i-se-search ko.
Is masturbation a sin?
Sa wakas, na-type ko na 'to successfully. Nakahinga na 'ko nang maluwag. Hinintay kong mag-load ito. Tumitingin muna ako sa paligid dahil sa bagal ng signal dito sa lugar namin kahit nasa labas na 'ko.
Nakita kong may isang babaeng naglalakad na may dala-dalang black na plastic. Sa tingin ko, basura ang laman no'n. Likod pa lang niya, alam ko na kung sino siya. Naglalakad na siya pabalik at nagtama ang tingin namin pero mabilis niya iyong pinutol. Sa inaasta niya parang hindi ako nakita. Nagdere-deretso siya lang sa kanila.
"Y-Yari..." mahinang tawag ko na lang sa kanya.
"Lord, I pray for Yarianna. Kung hindi man ako ang maging instrument upang bumalik siya sa 'Yo, please, naalala ko si ate Freya... Nawa magpatuloy siya na idala si Yari sa 'Yo. Naniniwala akong pagdating ng araw, isa ang kaibigan kong 'to na maglilingkod sa 'Yo. Nasasabik na po akong dumating ang araw na 'yon. I trust Your process." Pagkatapos kong sabihin iyon, agad kong binasa ang lumabas na kasagutan ni Google sa ni-search ko kanina.
In the least, the practice of self-pleasure is viewed as not honoring the purpose of God's gift of sexuality. The sexual sins of fornication, adultery and masturbation, as well as hatred, jealousy, drunkenness and other sins are considered to be sins of the heart as much as the body.
Natahimik ako sandali. Nakaramdam ako ng pandidiri sa sarili ko. Hindi ni-ho-honor ng Diyos ang mga ganitong bagay. "Considered to be sins..." Bigla akong naluha dahil alam kong sa sarili ko, nagiging alipin ako ng habit-- kasalanan na ito.
Nagbabasa ako ng iba't ibang article. Napupuno ako ng shame. Bigla akong nag-doubt if mapapatawad ako ng Diyos. Naging parang droga na 'to sa katawan ko. Addict na.
"It is God’s will that you should be sanctified; that you should avoid sexual immorality; that each of you should learn to control your own body in a way that is holy and honorable, not in passionate lust like the pagans, who do not know God... 1 Thessalonians 4:3-6." Binasa ko by my mouth ang verse. Nag-highlight ang lust na word.
"M-Masturabation is a lust?" Nagpatuloy lang ako magbasa-basa kung ano ang mag-lo-load na page. "Lust is a sin..."
"Ang lust ay isang strong desire or craving. Ang desire ko sa pleasure ang m-mali. Ang heart ko ang problema." Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib. Patuloy pa rin akong umiiyak. Hindi lang kasi sa sarili ko ako nahihiya, kun'di sa Diyos mismo.
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...