29: Reconciliation Part 2
PAGKAUPO NAMIN ni Leigh, biglang sumulpot si Phillip. Kumuha siya ng upuan at nilagay niya sa kaliwa ni Leigh sa paningin ko. Nakaupo ako sa tapat nila. Lumapit ako sa kanila. Nagkakatinginan kami sa isa't isa. Hinahanda ko ang sarili ko sa pakikipag-usap. Ayo'ko maghari ang emosyon sa 'kin dahil makagagawa ako ng mga bagay na pagsisisihan ko. Papairalin ko pa rin ang prinsipyo ko na hindi ako mang-aapak o mananakit ng tao, at pag-ibig ang dapat manguna sa bawat isa.
"Gusto ko lang talaga humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko sa 'yo," paninimula ni Leigh. Napayuko siya pagkasabi no'n. Iniangat ko naman iyon. Nag-smile ako sa kanya.
"Past is past," sabi ko na meaning ay napatawad ko na siya. Alam kong hindi niya pa na-re-realize ang ginagawa niya sa 'kin noon. "Hayaan mo na 'yon."
"Thank you." Hinawakan niya ang palad ko at tumingin sa 'kin. "Binulag ako ng pagiging self-righteous. Na-preach nga sa 'kin ang truth, pero sinasabi ko 'yon na walang love. Minaliit ko ang isang tao dahil lang sa religion. Sa totoo lang kasi hindi ako nag-re-respect ng religion na may practice na against God. Pero nakalilimutan ko na love one another at love ang dahilan kaya tinatama ang isang tao."
Hinawakan ko ang balikat niya; tumingin sa mga mata niya; ngumiti ako. "Ang mahalaga, na-realize mo."
"Si Asherleen ang nagturo sa 'kin nito. Tinatama ko ang iba na walang halong love. Magiging walang kabuluhan ang lahat kung ang love e hindi present, hindi ba?" Tumango si Phillip sa sinabi niya.
"Sorry talaga, Carmiah. Hindi namin alam na kami na ang mali." Si Phillip naman ang nag-so-sorry.
"Sige, ayos na 'yon pero sana maging magkaibigan ulit tayo gaya ng dati."
"Oo naman-- bakit naman hindi?" masayang sabi ni Leigh. "Ibalik natin ang dati nating friendship." Napangiti ako sa sinabi niya. Na-miss ko sila.
"Sorry at nilayuan ka namin nang makilala mo si Yarianna. Mali ang interpretation namin sa isang verse sa Bible na huwag makipag-isa sa mga 'di sumasampalataya." Ramdam ko ang sincerity sa kanilang sinasabi.
"Ang ibig sabihin pala no'n ay huwag makisama sa mga gawain nilang maka-mundo," nalulungkot na sambit ni Leigh.
"Naiintindihan ko," sabi ko.
"Maraming pina-realize si Asherleen talaga sa 'kin. Nabanggit niya na may pagkakamali siya sa way ng pag-correct sa 'kin pero sinabi ko na ayos na 'yon dahil tinama niya ako."
"Basta, forgiven na kayo. Kung ang Diyos ay nagpapatawad, ako pa na nilikha lang Niya?" Pagkatapos kong sinabi, ngumiti ako. Niyakap nila ako.
"Thank you talaga, Carmiah. Nakikita ko talaga sa 'yo ang pagkilos ng Lord sa buhay mo. Naiinggit lang ako sa 'yo no'n. Kasi masiyado ako nag-ba-base sa religion, which is mali talaga..."
"Paano mo nakita?" nagtataka kong sambit. "Magpapa-restore pa nga lang ako sa Lord kasi nanlamig ako," pag-amin ko.
Nag-smile ang dalawa. "Ayan nga, isa ang sinabi mo. Nagpapa-restore ka. It means He's working in your life." Si Phillip ang unang nagsagot.
Siniko siya ni Leigh. "Loko! Ako ang kausap," reklamo niya.
Napainda sa sakit si Phillip. "Masakit 'yon, a! Pero... aminin mo na lang na tama naman ang sinabi ko," pang-aasar niya.
"Mang-aagaw ng moment!" naiinis na sambit ni Leigh.
Cute naman nila mag-away. Sila na ba? Ah... Erase, erase!
"Pasensiya ka na kay Phillip, Carmiah," pagpaumanhin ni Leigh.
"Ako pa talaga ang pagpapasen--" Tinakpan ni Leigh ang bibig niya. Napatawa ako sa ginawa niya.

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
EspiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...