𝙰 𝚖𝚊𝚗 𝚘𝚏 𝚖𝚊𝚗𝚢 𝚌𝚘𝚖𝚙𝚊𝚗𝚒𝚘𝚗𝚜 𝚖𝚊𝚢 𝚌𝚘𝚖𝚎 𝚝𝚘 𝚛𝚞𝚒𝚗, 𝚋𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚒𝚜 𝚊 𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍 𝚠𝚑𝚘 𝚜𝚝𝚒𝚌𝚔𝚜 𝚌𝚕𝚘𝚜𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚋𝚛𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛.
Ⓟⓡⓞⓥⓔⓡⓑⓢ ①⑧:②④[This is the last chapter then epilogue]
35: Friendship
PAGKATAPOS KONG mag-CR, naglakad agad ako pabalik sa classroom. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko nakasalubong o nakita sa ngayon si Rene. Hindi na ako umiiyak pero dito sa loob-loob ko, sobrang durog na durog.
"Ngayon pa talagang mag-mi-midterms mo 'ko dinurog, Rene? Ang galing!" naiinis kong sambit habang papasok sa classroom.
Ganito ang puwesto namin kapag hindi alphabetical arrange: si Leigh ay nasa kanan ko, si Rene ang nasa kaliwa ko, at si Rheuben ang nasa left side ni Rene. Nasa harapan namin sila Elisha, Jona, Ella, at Joshua.
"C-Carmiah," tawag sa 'kin ni Leigh. "Sorry talaga," sincere na paghingi niya ng tawad.
"Okay na 'yon. Hindi ninyo kasalanan. Pasensiya na rin kayo sa 'kin kanina. Nadala ako ng emosyon." Nag-sorry din ako kay Rheuben at tinanggap niya.
"P'wede ba namin malaman kung ano'ng nangyari sa inyo kaninang umalis kayo?" tanong ni Leigh. Si Rheuben ay umupo sa p'westo ni Rene.
"Alam niyo ba na kami na?" sambit ko sa kanila na parehas nilang kinagulat.
"Kailan pa?" sabay nilang tanong.
"Bakit pa kayo nagtataka?" confused kong sambit.
"Kasi ang alam lang namin ay nililigawan ka niya at sinabi niya na ikaw ang nagpapasaya sa kanya," sagot ni Rheuben. "Sinikreto pala niya 'to sa 'min."
"Oo, pati ako ay sinabihan niya na huwag muna ipagkakalat na kami na. Pero wala na kami n-ngayon." Yumuko na lang ako pagkasabi no'n. Nakakahiya ang pagtago ng relasyon. "Ako ang nakipag-break. Iyon ang nangyari kanina. Kailangan muna namin magpaayos sa Lord. Hindi talaga maganda ang relasyon na tinatago. Sorry talaga."
"It's okay. We won't judge you both. The Lord is close to the brokenhearted," ani Rheuben. "Gamitin mo ang opportunity na 'to para mas maging close pa sa Lord."
"Hindi ko alam, Rheuben. Matagal na 'kong nanlalamig." Napansin ko sa reaction nilang dalawa na nalungkot sa narinig nila sa 'kin.
"Kapag nakasaksak ang appliances, umiinit ito at gumagana ngunit kung nakatanggal na sa source ng kuryente, lalamig na ito. Ang cellphone ay umiinit kapag nagagamit pero malamig 'pag nakatabi lang," makahulugang sambit ni Rheuben pero naintindihan ko ang nais niya ipahiwatig. "Balik ka lang sa Source natin, Carmiah. Humble yourself at Him. Serve Him by following His Words."
"Thank you, Rheuben." I smiled. He always leads me to God.
"Praise God."
How ideal man he is...
"Sana magawa ko. Sobrang nakakahiya na. How many times ba ako susuway?" Yumuko ako dahil sa hiya.
"Kung alam mo lang na ilang beses din sumuway ang Israelites sa Old Testament pero ilang beses pa rin silang pinapatawad ng Diyos. Our worst days is the evidence na we desperately need Him." Hinawakan ni Leigh ang kamay ko at tumingin sa 'kin. "Lagi lang lumapit sa Kanya. We need Him more than yesterday. Sinabihan sila na magkaroon ng takot sa Kanya at magpatuloy na maglingkod. Kaya ganoon din ang gagawin natin."
"Ipag-pe-pray ka namin. Hindi ba, Fernleigh?" Tumango si Leigh sa sinabi ni Rheuben.
"Thank you. Mga tunay ko talaga kayong kaibigan."
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpirituellesCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...