Chapter 24: It's all about Him

72 10 0
                                    

24: It's all about Him

PARANG ANG bigat ng pakiramdam ko ngayon pero pumasok pa rin ako ngayong araw. Kaya ko pa naman. Isang araw lang kasi mag-absent ay marami ng ma-mi-miss na discussion at mahihirapan ng makisabay.

Nagbasa ako kagabi ng binigay ni Tita Rashana sa 'kin. 'Yong Purpose Driven Life na libro. Forty days pala babasahin 'yon; sana nga ma-i-straight kong basahin iyon kasi feeling ko maganda ang libro na 'yon. Gusto ko rin kasi malaman ang purpose ko sa mundong 'to.

Naglalakad na ako ngayon papuntang school. Nakasanayan ko nang pumasok ng maaga. Ang oras ngayon ay 6:15 am.

It All Starts with God.

Bigla kong naalala ang title ng isang chapter na binasa at nagsagot ng tanong sa dulo. Nag-pe-play sa utak ko ngayon ang ilang quotations mula sa libro na iyon na tumatak sa 'kin.

It's not about you.

Unang sentence palang sa sinulat na 'to ni Rick Warren, atake na. Nabuhay ako na iniisip ko lang ang tungkol lang sa 'kin... kung saan ako magiging masaya, kung ano ang pangarap ko, kung ano'ng nakabubuting gawin- basta about lang sa 'kin.

When I've accepted Him, may mga nagbago. Ang dating pag-aaksaya ko ng oras para sa iba't ibang bagay, napalitan na ngayon ng prayer and devotion. Wala na ang doubts ko tungkol sa Diyos. Alam kong by faith, He's real, He's holy, He's powerful and He's a loving and merciful God. I know that I'm forgiven and I've repented, pero kasi... parang may mali sa pamumuhay ko na 'di ko maipaliwanag.

May nabasa ako sa Bible while I'm doing my devotion sa Mark 8:34, kung sino ang nagnanais na susunod sa Kanya, dapat i-deny ang sarili, take up his cross and follow Him. Tagalog Bible lang ang meron ako pero tinignan ko ang ibang version sa Bible app sa cellphone ko.

Hindi kaya dapat i-deny ko ang sarili ko para tuluyan kong matalikuran ang dapat talikuran upang maging totoong follower Niya? Ewan ko...

Without God life makes no sense.

Without Him in my life, iyon nga nagiging masaya ako with Brighty, with my habits, with other things... but without Him reigning in my life... Parang sayang ang lahat dahil hindi ko kinilala ang lumikha sa 'kin.

Focusing on ourselves will never reveal our life's purpose.

Maybe ma-fulfill ko lahat ng gusto ko sa buhay, pero great thing ang ma-mi-miss out ko- ang purpose ng Lord sa 'kin.

The purpose of your life is far greater than your own personal fulfillment, your peace of mind, or even your happiness.

Matindi rin 'to. Akala ko ganito ang purpose ng buhay e- to fulfill my desires, to be happy, etc... I've learned that it's all about God talaga. Kaya sa situation ko ngayon, dapat mas mag-depend ako sa Kanya more than myself. He's my source in order I can knew my purpose. Isang bagay lang ang alam kong purpose ko sa ngayon: to serve Him.

'Yong about sa personal fulfillment, naalala ko ang habit na tinuro ni Brighty- ang masturbation. Na-pu-fulfill ako everytime I do it. May mga fantasies ako noon with her. Pero ngayon, hindi na si Brighty ang nasa imagination ko while I'm doing it. It's weird but wala na akong na-i-imagine na kahit sino. Basta ang mahalaga sa 'kin, may pleasure.

Ginagawa ko pa rin ang bagay na iyan dahil iniisip ko wala naman akong nasasaktan na iba. Nang tinanggap ko Siya sa buhay ko, kapag nagagawa ko ito, na-gi-guilt ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahil sa guilt, sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na huwag nang gawin pero I end up doing that thing again. I'm always tempted to do this pero the more na nilalabanan ko, mas lalong lumalakas ito at tinatalo ako.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon