Chapter 8: God works

103 11 0
                                    

8: God works

"PRAISE GOD! Nakita ko kanina na nakayuko ka at sa tingin ko'y sumabay ka sa prayer ni Rene for acceptance," masayang sabi ni Mariam nang naglalakad na kami palabas ng classroom. Magkasabay kami ng lakad.

Hindi ko ugali ang magsinungaling kaya nagsalita ako, "Hindi ko Siya tinanggap, Mariam. Nakakabastos naman kung hindi ako yuyuko kanina, 'di ba?" Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.

"What's the things that makes you hold back?" malungkot ang kanyang tinig. "Basta ako, hindi ako hihinto na ipagdasal ka. God is working; hindi nga lang sa paraan na gusto natin." Napalitan na malungkot na tinig ng ngiti.

"Masiyadong complicated ipaliwanag," simpleng sagot ko. "It's because of what happened in this life."

"Basta, kapag kailangan mo ng makikinig, nandito ako. T'saka Siya, He's waiting for you." Nakaturo siya sa taas. Siguro ang Diyos ang tinutukoy niya.

Simple na lang ako na nag-smile kasi hindi ko alam ano ang isasagot sa kanya. Naglalakad na kami papalabas ng gate. "Carmiah, alam mo, I'm amazed on you." She opened a conversation.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Kasi hindi ka nagtangka magsinungaling kanina. Puwede mo naman sabihin na tinaggap mo Siya. Buti ka nga, honest ka. May iba kasi na they've accepted Him pero hindi kita sa buhay nila. Siguro, I don't have the right to judge them because God works in them." Kita ko ang lungkot sa kanya.

"Kaya hindi ako naniniwala sa inyong mga Kristiyano dahil sa hindi ko nakikita ang pi-ni-preach ng religion nila sa kanilang buhay," mahina kong sabi.

"May sinabi ka?" tanong ni Mariam.

"Basta," sabi ko na lang. Ngumiti na lang siya. Feeling ko narinig niya e.

"I'm amazed na you follow His commandments- hindi mo namamalayan, kita ko sa 'yo- kahit na hindi mo pa Siya kinikilala. Kaya darating din ang panahon, kikilalanin mo rin Siya. I believe by faith." She declared on last sentence.

Natahimik ako sandali t'saka nagsalita, "Alam mo ang prinsipyo ko? Kahit hindi ako Kristiyano, nangako ako sa sarili ko na wala akong aapakang tao, hindi ako mananakit ng kapwa, basta pipiliin kong maging mabuti."

"Siya lang ang mabuti, Carmiah. Alam mo ba, kapag kinilala mo Siya sa buhay mo, normal na lalabas sa 'yo ang good works kasi Siya ang kumikilos sa buhay mo para magawa mo ang will Niya. Siyempre, may part din na tayo ang gagawa pero Siya talaga ang dahilan bakit magagawa ang good works. It's fruit."

Bakit 'yong mga kamag-anak ko? Bakit hindi ko nakikita sa kanila ang sinasabi ni Mariam?

"Bakit sila?" nasabi ko nang aksidente ang iniisip ko sa pamamagitan ng dalawang salita.

"Kung sino man ang tinutukoy mo, baka hindi pa sila totoong nag-repent," simpleng sabi niya.

Gusto ko na putulin ang usapan na 'to. May doubts pa rin ako. Pero naiinis lang ako sa sarili ko kasi may bahagi sa 'kin na gusto ng maniwala dahil sa pinagsasabi ni Mariam. "Mariam, dito na 'ko maglalakad. Ingat ka," pagpapaalam ko.

"Ingat ka rin. God bless you!" masaya niyang sambit at kumaway siya hanggang sa tumalikod na 'ko sa kanya.

Habang naglalakad ako, patuloy pa rin ang pag-iisip ko tungkol sa mga Kristiyano na 'to na nakilala ko rito sa school. Hindi ko kailanman nakita na ginawan ako ng masama ni Mariam kahit na ilang beses ko siyang nasasaktan dahil sa pagtanggi ko sa invite niya at nag-attend ako nang si Rene ang nag-invite kahit isang beses niya palang iyon ginawa. Hindi ko lang talaga malabanan ang feeling na gusto ko mag-attend para magpapansin din kay crush. Ang landi-landi mo kasi, Miah, inis ka.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon