11: Hope
NAPUTOL NA ang pag-uusap namin ni Mariam dahil dumating na ang teacher namin. Maya-maya lang ay nagpa-check na kami ng chapter 1 namin sa research. Si Rene ang gumawa ng statement of the problem at kami na sa the rest.
Nandito kami ngayon sa faculty ni Ma'am. Nag-leave kasi ang teacher namin for 1 week this time kaya kinuha na namin ang oras para magpa-check.
"Ako ba ay niloloko niyo, Mariam?" natatawang sambit ni Ma'am Desiree. "Bakit sa first paragraph ng introduction niyo ay 'lastly' na word agad gamit niyo?"
Nagtinginan kaming apat at sabay-sabay na nagtawanan din. "Kayo, ha. Copy paste." Binilugan niya ang word na lastly. "Palitan niyo 'yan. Nasa una palang kayo, lastly na?"
"Sorry po, Ma'am," sambit ni Mariam. Siya kasi ang gumawa ng introduction. Napakamot siya sa ulo dahil hindi niya pala nataggal ang word na lastly. "At ano'ng year ang citation niyo rito sa introduction... 1995. Ano'ng year na ngayon?"
"2014 po, Ma'am," sagot ni Rene.
Tumawa na naman si Ma'am. Ang masiyahin niya masiyado. Mabait naman siya kaso iba lang magalit. Ganoon lang siguro ang mababait.
"Ten years back lang ang usapan natin. So paki minus na lang ng 10 ang 2014. Huwag niyong sabihin na kailangan niyo pa ng calculator." Nagtawanan na naman kaming lahat.
"Rene, bakit hindi mo man lang binasa ang intro na ginawa namin, ha?" inis na inis na sabi ni Mariam.
"May tiwala ako sa 'yo-"
"Tiwala tiwala. Ikaw nag-print, sana binasa mo!" naiinis na sambit ni Mariam.
"Huwag na kayong mag-away. Kaya nga may tinatawag na revision. Itama ang pagkakamali. And eto, may acknowledgement na kayo." Pinunta niya sa second page ng pinasa namin sa kanya. Pinagdiinan niya ang itama ang pagkakamali.
"Nakita ko lang po sa research paper ng ate ko na may acknowledgement before chapter 1," sabi ni Karyn.
"Pero gagawin lang 'to kapag natapos na ang paper niyo," natatawang sambit ni Ma'am Desiree. Kanina pa tawa nang tawa si Ma'am. "Ayos din ng acknowledgement niyo, ha. Pasalamat sa nag-invent ng Google at Facebook. Pinapasaya niyo 'ko. Kayong mga bata talaga."
Pagkatapos ng mga iba-iba pang mga correction sa paper namin, lumabas na kami sa faculty room na tawa nang tawa dahil sa nangyari kanina. Nagsasagutan pa rin si Mariam at Rene dahil sa nangyari sa paper. Kami ni Karyn na hindi nakisawsaw ay magkasamang naglalakad sa likod nila. Sila'y nasa harap namin at hindi natapos ang discussion.
"Tumigil na nga kayo," saway ni Karyn sa kanya. "Matutong mag-move on. Ang hirap naman ng sobrang talino," natatawa niyang sambit.
"Oo nga e. Baka magkatuluyan pa sila sa pagtatalo. May mga lovers na nagsisimula sa hate-hate e," sumang-ayon ako kay Karyn.
"Hindi ah!" sabay pa nilang sabi. "Okay, itigil na 'to, Mariam."
"Sa wakas tumahimik na," sabi ni Karyn.
Natapos na ang buong maghapon. Napag-usapan na si Rene na ang mag-e-encode ng mga revision sa paper namin. Sisimulan na rin daw namin ang chapter 2 sa Sabado. Sa ibang bahay naman daw kami. Sinabi ko na hindi puwede sa 'min dahil mahina ang signal doon.
Naglalakad kami nang sabay nila Mariam at Karyn. Tatlo na kaming magkakaibigan ngayon na magkasama dahil sa research. Si Rene, tatlo rin sila; ang kasama niya ay sina Reynard at Rheuben (Ruben ang pronunciation).
Nakarating na kami sa gate at nakita ko si Yari na naghihintay sa 'kin. Nagpaalam na ako kina Mariam at sinabi na sa kanya ako sasama. Nagkatitigan sina Yari at Mariam. Ngayon lang uli sila nagkita nang mulang umalis si Yari dito sa 'min. Ngumiti si Mariam kay Yari. "Kumusta na?" tanong niya kay Yari.
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualeCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...