Chapter 5: Entering High School

101 11 0
                                    

5: Entering High School

"HINDI NA talaga magbabago ang isip mo sa alok ni Faith?" pagpilit pa rin ng Lola ko sa 'kin. "Sayang naman 'yon." Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan ako.

"Gusto ko po sana kung hindi Kristiyano ang mga kaklase ko. I can't stay there. Baka paalisin lang din ako sa school na 'yon," pagpapaliwanag ko. Tumingin din ako sa kanya. "Hindi ko po talaga kaya. Pasensiya na po "

Na-i-imagine ko kung gaano ako huhusgahan ng mga tao roon. Naalala ko pa ang nangyari kay Yari. Hindi pa nga Christian school ang pinasukan namin no'n, ganoon na ang natanggap niya. Paano pa kaya sa Christian school pa? Baka makapagsabi pa 'ko ng mga hindi magaganda kaya mas mainam na sa public school na lang ako mag-aaral.

"Naniniwala ako na pagdating ng araw, mananampalataya ka rin sa Diyos na hindi ako iniwan kahit sandali," ngumiti siya nang totoo. "Hindi na kita pipilitin pa. O siya, papasok na muna ako."

"Ingat ka sa mga Kristiyano na 'yon, Lola." Niyakap ko siya. Kinawayan na niya ako at tinignan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Kapag talaga may masamang nangyari sa Lola ko, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sumigaw-sigaw do'n nang napakalakas. 'Yong tipong aabot sa puntong mahihiya sila sa kapit-bahay nila.

May hiya nga ba sila?

Bakasyon na namin ngayon. Inaasikaso ko na rin ang mga kailangan para sa enrollment ko sa isang public school na malapit dito. Kahit malayo pa 'yon,

Gusto ko nga sanang makapagtrabaho kahit simple lang, 'yong kaya ko lang, para makatulong kay Lola. Hindi ko kayang mag-stay lang sa bahay na 'to.

Naisip ko bigla ang kainan sa tapat namin. Mag-a-apply ako na kahit taga hugas ng pinggan. Tumayo na 'ko at pumunta roon. Kinausap ko na agad ang nagluluto.

"Aling Diamond!" tawag ko sa kanya.

"Bakit my dear Carmiah-miah? Mamaya pa 'ko magtitinda ng mga ulam," masayang tinig niya.

"Apply sana ako kahit taga hugas lang ng pinggan o magpunas ng mesa rito sa kainan ninyo. Kailangan ko lang po sana sa allowance sa pasukan. Gusto ko lang matulungan ang Lola ko," deretsahang sabi ko. Napatingin siya sa 'kin at nag-iisip.

"Sige. Balita ko naman third honors ka kaya naniniwala akong nag-aaral kang mabuti. Start ka na mamayang 11am gusto mo?" nakangiti niyang saad sa 'kin.

"Sige po. Maraming salamat po talaga!" masayang-masaya na sabi ko at ako'y tumatalon pa.

"Balik ka mamaya rito."

"Opo, Aling Pearl!" magiliw kong sambit. "Aayusin ko lang sandali po sa bahay bago ko po iwan."

"Sige, kita na lang tayo mamaya." Kumaway na 'ko sa kanya.

Bumalik na 'ko sa bahay. Niligpit ko lang ang mga pina-photocopy ko na birth certificate at card dahil baka ito ang maging requirements sa enrollment kahit malayo pa. Nagwalis ako pagkatapos no'n. Nilampaso ko ang sahig para kumintab. Naghugas muna ako ng pinagkainan namin kanina ni Lola. Pinunasan ko ang mga plato at nilagay sa dati nilang lugar. Naglinis na rin ako ng banyo. Sinigurado ko muna na maayos ang lahat dito sa bahay bago ako umalis.

Alas-diyes pa lang ng umaga. Nandito pala ang cellphone ni Lola sa mesa. Iniwan niya 'to kasi baka tumawag daw si Yari.

Bait talaga ng Lola ko. Wala kayo sa Lola ko!

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon