34: Guard your Heart
"WALA TALAGA akong naiintindihan dito, Rene!" frustrated kong sambit habang binabasa ang ni-discuss last week. Magkatabi kami ngayon at tinuturuan niya ako pero halos mali ang sagot ko sa mga tanong niya. Lunch break namin ngayon.
"Kaya mo 'yan," pagpapalakas niya ng loob sa 'kin.
"Hindi ko ma-balance 'tong Statement of Financial Position na sample problem," naiiyak kong sambit. "Paano ako makapapasa nito bukas? Ang bobo ko." Major namin 'to... Accounting 2.
"Maniwala ka sa sarili mo na maiintindihan mo 'yan. Huwag sobrang ma-stress. At higit sa lahat, 'di ka bobo, okay?" Tumango na lang ako. He never fails to cheer me up.
"Tapos hindi ko alam gumawa ng Cash Flow Statement," naiinis kong sabi. "Nalilito ako sa accounts under operating, investing, and financing activities nito. Parang pare-parehas lang sila, e!" Tinuro ko ang notebook ko na may lecture about Cash Flow Statement.
"Ipahinga mo muna ang utak mo. Start ulit tayo maya-maya dahil hindi naman makararating ang teacher natin mamayang one o'clock." Hinawakan niya ang likod ko to calm me. "Mas hindi ka lang maka-ri-review kung pipilitin mo ngayon. Baka pagod lang utak mo."
"Thank you." Pinagsama-sama ko muna ang papel dahil nakaka-stress tignan.
"Yie!" May nang-asar sa 'min. "Lu-ma-love life, ha. Concern na concern kay Carmiah."
"Reynard!" Napatingin ako sa kanya. Nakadungaw lang siya sa 'min sa may bintana. Dumalaw pala siya dito sa Academy.
"Basta rest ka muna, woman of God, okay?" He taps my shoulder many times. "Puntahan ko lang si Reynard." Nagpaalam na si Rene at naglakad papalabas ng classroom.
Pinatong ko ang braso ko sa mesa at umidlip muna. Hindi ko na kaya pa ngayon mag-review.
Mabilis tumakbo ang oras. Last subject na namin, which is RWG. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na 'to, hindi ako na-e-excite sa subject na 'to. Gusto ko lang na umuwi agad. Pagod ang pakiramdam ko.
"Blessed afternoon class," bati ni Ma'am Lovely pagkapasok niya. Nakangiti lang siya na tila walang problema. Siya pa rin ang teacher namin dito dahil nagkapalit sila ng isang Grade 11 RWG teacher. "Lead the prayer, Miss..." Tinignan niya ang list namin upang malaman kung sino na ang susunod na mag-pe-pray. "Garrett."
Ba't ako pa?
Wala ako sa sariling pumunta na sa harapan. Nang makaraos na 'ko sa pag-lead ng prayer ay bumalik na agad ako sa kinauupuan ko. Hindi kami naka-alphabetical arrange kay Ma'am.
"Our lesson for today is about in relationship, mga anak." Sinulat niya ang phrase na ‘in relationship’ sa whiteboard. Tumingin ako sa paligid at naka-focus lang ang lahat sa kanya. "I know that everyone thinks that this is about having a boyfriend or girlfriend. It is a yes. This is just a reminder for youths... kayong lahat. Anyone can determine a verse from the Bible that states about guarding our heart? I'll give this bookmark." May pinakita siyang laminated na bookmark. Tatlong bookmarks ang nakalagay sa mesa niya. May sulat na 𝓨𝓸𝓾 𝓪𝓻𝓮 𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭. Iyon ay naka-calligraphy. Ang ganda.
Nagtaas si Rene. Siya lang ang nagtaas kaya tinawag na siya agad ni Ma'am. "Proverbs 4:23 says that Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it."
"Okay, very good." Naglakad si Rene papalapit kay Ma'am dahil inaabot na sa kanya ang bookmark. Pinagmasdan ko siya na hawak-hawak iyon.
Wow!
"Ma'am, isa pa!" sigaw ng mga kaklase namin. Gawa ni Ma'am ang mga bookmark na 'yon. Nag-ko-commission siya; nakikita ko sa Facebook.
Ngumiti lang si Ma'am sa 'min. "Ano ang connect ng guarding our hearts sa lesson? Malaki."

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualeCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...