Chapter 2: Hatred

277 14 0
                                    

2: Hatred

"YARI, HUWAG sana tayong mawalan ng connection kapag nag-aral ka na sa malayo. Huwag mo rin sana ako kalilimutan kapag marami ka ng kaibigan doon," pag-da-drama ko sa kanya.

"Ano ka ba, ikaw makalilimutan ko?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ang drama mo."

"Ay grabe, Yari."

"Ang grabe, nasa hospital," nang-aasar niyang sambit.

"Sapak gusto mo?" naasar ko namang tugon. Pinakita ko ang kamao ko.

"Ayaw. Sino bang may gusto no'n?"

Malapit ko nang masapak 'to.

"Tara na nga, uwi na tayo. Baka hinahanap na 'ko ni Lola, at ikaw ng mga magulang mo," pagyayaya ko. Kusa na ring kinukuha ng kamay ko ang bag ko, maging siya rin. Natatawa pa rin siya.

"Ang saya-saya," sabi ko habang naglalakad na kami. Papalabas na kami ng gate ng school.

"Ogoogo." (Oo.) G-Words pala ang labanan ngayon. Hindi ako papatalo.

"Agay. Wogow. Magarugunogong magag-g-gi-wogords." (Ay. Wow. Marunong mag-G-Words.)

"Agakogo paga baga?" (Ako pa ba?)

"Tama na nga. Napapahaba ang mga salita," pagreklamo ko.

"Sabihin mo, tamad ka lang!" nang-aasar niyang tinig at nakatingin pa sa 'kin nang nakakaloka.

"E 'di kasi, oo na!" naninigaw na 'ko kunwari.

"Pikon! Ang pikon, talo."

Whatever.

"And anyway, huwag mong kalilimutan ang assignment natin na family tree," paalala niya sa 'kin.

"Saan na ilalagay iyon?"

"Sa bond paper."

Bigla akong nalungkot sa assignment na 'yon. Kasi ako, hindi ko man lang nakita ang mga magulang ko. Namulat na lang ako sa mundong ito na si Lola Percy ang nagpalaki sa 'kin. Naipaliwanag naman na niya sa 'kin ang lahat pero I still long for them. Buti pa ang ibang bata, kumpleto ang kanilang pamilya. Ako ni isa sa mga magulang ko ay hindi ko man lang nakita.

Nang makarating na si Yari sa bahay nila, kumaway na siya sa 'kin. Naglalakad na siya papunta sa pinto ng bahay nila. Naka-focus ang paningin ko sa kanya. Bigla siyang lumingon na tila parang may nakita siya na nais niyang sabihin sa 'kin.

"Si Lola Percy! Tignan mo maglakad, parang hindi siya okay." May tinuturo siya malapit sa 'min. Napalingon ako sa direksyon ng daliri niya. Nang makita ko si Lola, pag-aalala ang naghari sa sistema ko.

"Salamat!" sabi ko na lang kay Yari at hindi na 'ko nagsayang ng oras.

"L-Lola, okay ka lang po?" nag-aalalang tinig ko nang makita ko siyang iika-ika kung maglakad. Agaran akong tumakbo papalapit sa kanya upang siya'y alalayan.

"A-Ayos lang ako, apo ko," sagot niya sa 'kin at tinignan ko siya na hindi ko pinaniwalaan.

Tinignan niya ako at ngumiti siya na tila walang nararamdaman na sakit. "Wala nga 'to. Ikaw talaga, huwag mo akong alalahanin. Sa katandaan lang ito."

"Sigurado po kayo, a? Kapag nalaman ko lang na sinaktan ka na nila, lagot sila." Ngumiti na naman si Lola Percy sa 'kin. Hindi peke ang mga ngiti niya kaya na-kumbinse niya 'ko.

"Magpalit ka na, apo. Mukhang kakauwi mo lang galing sa school. Maghintay ka lang riyan at ipaghahain kita."

"Nako Lola, pahinga po muna kayo t'saka kakakain ko lang din po sa school bago ako umuwi. Mamayang gabi na lang po ako kakain."

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon