23: Past
Mariam
TINIGNAN NA lang namin si Carmiah na tumakbo hanggang sa mawala siya sa paningin namin ni Karyn. Pakiramdam ko ay may mali akong nasabi. "F-Feeling ko nabigla talaga si Carmiah sa sinabi ko," na-gi-guilty kong sabi. "Baka nag-feeling righteous ako, Karyn. B-Binigla ko talaga siya." Hinaplos ni Karyn ang likod ko. Nandito pa rin kami sa mini-park at nakaupo kaming magkatabi.
"M-Malay mo may emergency lang kaya siya umalis," pampalubag-loob niya sa 'kin.
"H-Hindi e," kontra ko sa kanya. "Ewan ko ba. Dapat sinabi natin na walang kasalanan na masiyadong malaki sa Diyos para hindi Niya patawarin, kung anuman ang nag-ho-holdback sa kanya ay tiyak na tutulungan siya ng Diyos para mabitawan 'yon, na dakila ang pag-ibig Niya kaysa mga failures at mistakes... etc. Karyn..." Hinawakan ko ang braso niya. Baka maulit ko na naman ang nasa nakaraan. 'Yong sinabi ko na mag-ingat siya kay Yarianna. Baka mawala na naman ang na-build naming friendship.
"Tama naman ang sinabi mo kaso hindi niya agad iyon maiintindihan," sambit ni Karyn sa 'kin at napaisip ako roon. "Ang sinabi mo kasi ay para sa mga taong nag-decide to follow Jesus at gustong magseryoso sa Kanya."
"I'm repeating my mistakes in the past!" Napahilamos ako sa mukha. "Kailan ba ako matututo?" naiinis kong sambit. Nagsisimula na naman ako mag-overthink.
"Don't hate yourself, okay?" Hinawakan niya ang buhok ko. "We are still humans, Mariam. Nagkakamali pa rin tayo kahit ano'ng gawin natin kaya nga we depend on His grace. Hindi tayo defined ng past natin, okay?" She taps my shoulder. "Kung pinapaalala ng kaaway ang past natin, ipaalala mo ang future niya sa hell!" natatawa siya sa huling sinabi niya kaya nahawa rin ako sa tawa niya. Pinapasaya lang niya ako e.
"Alam mo naman kung saan matinding mag-work ang devil, hindi ba?" Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya. "Sa magiging ano tayo in the future! Kasi kahit ano'ng gawin niya, 'di na niya mababago ang past natin kaya ginagamit din niya 'yon para sirain tayo ngayon at maaapektuhan ang future natin. Sa past din natin, may mga dakilang nagawa ang Lord na 'di niya rin mababago pero sa kasalukuyan, p'wede niya tayo i-distract ng mga bagay-bagay sa mundo, sa mga magiging sin, failures, o pagkukulang natin, mga alalahanin, at iba pa... para makahadlang siya sa kung paano tayo gagamitin ng Diyos para sa plano Niya o sa mga dakilang gagawin Niya sa buhay natin."
"Sad truth," komento ko sa sinabi niya.
"Pero lahat naman ng pinapahintulot Niya mangyari ay bahagi ng plano Niya. Ang galing ng Lord kasi all things work together for our good," masaya niyang sabi. "Kung hindi niya tayo mapigilan sa mga gawain para sa Diyos, titirahin naman niya tayo sa ibang paraan... Ang time natin with God, ang shame mula sa sins na nagawa natin recently, ma-di-distract tayo in praying, at iba pang galawan niya."
"Yes, I agree. Wala siyang magagawa kapag sinasagot ng Diyos ang prayer natin pero p'wede niya tayong i-distract para hindi makapag-pray," malungkot kong sambit. "Hindi ko dapat hayaan na ang shame ang maging dahilan para hindi ako makalapit sa Diyos. Hobby talaga niya na magnakaw ng joy of salvation." Hinaplos niya ang likod ko. "Basta nabigla ko talaga siya," pagbabalik ko sa topic namin kanina.
"At least, alam niya ang pagiging totoong Kristiyano," pag-comfort niyang sambit sa 'kin pero kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako kumbinsido. "When we are sharing Jesus on other people, hindi dapat tayo nag-de-depend sa sarili nating kakayahan kundi sa wisdom, knowledge and power Niya. Let Him— Holy Spirit to lead us."
"Amen." All I can say is I agree on what she has said. "Thank you for reminding me."
"Praise God." She smiled at me. "Kaya nga no man is an island kasi we need each other. Two is always better than one." Nagyakap kami.

BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
SpiritualCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...