Chapter 19: Happy

52 9 0
                                    

19: Happy

BINUKSAN KO ang librong regalo sa 'kin ni Tita dahil wala akong magawa. Malapit na mag-alas dose. Magpapasko na. Si Tita ay nakita kong natutulog sa isa pang sofa. I've read who's the author. It's Rick Warren. Parang susyal na tawag sa mga wires. Joke.

This book is dedicated to you. Before you were born, God planned this moment in your life. It is no accident that you are reading this book. God longs for you to discover the life he created you to live-here on earth, and forever in eternity.

Wow. Naka-plano? Hindi raw aksidente? God longs for me? Ha?

Whatever.

Sinara ko na lang ang libro. Maya-maya ay tumawag si Brighty. Napangiti ako at agad ko itong sinagot.

"Brighty! Miss you!" masigla na tono ang aking naririnig.

"Hyper tayo ngayon. Merry Christmas, Brighty!" bati ko sa kanya.

"Merry Christmas na nga lang din kahit 'di ko si-ne-celebrate 'yan," sabi niya na napipilitan.

"Ay grabe. Pero nasaan regalo ko?" pabiro kong sabi.

"Alam mo, kahit hindi pasko, I can give any gifts. Hindi ko kailangan hintayin ang pasko o birthday mo para makatanggap ka ng galing sa 'kin. Palagi pa kitang mamahalin, ayaw mo no'n?" Nakangiti ako habang pinapakinggan siya.

"Hindi ka nagsasalita, a. So kinikilig ka?" pang-aasar niya sa 'kin.

"Whatever," pagtataray ko kunwari.

"Hindi mo bagay ang English na pagtataray," panlalait niya sa 'kin. Hindi ako nagsalita dahil grabe manlait 'to.

"Uy, joke lang!" pagbawi niya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Pasalamat na lang siya at hindi ko pa binababa. "Tuwing pasko lang naman 'yong iba nagbibigay at nagiging mabait kuno pero pagkatapos ng pasko? Balik din naman sila sa dating pamumuhay."

"Ay grabe ka talaga. Hindi naman lahat... Huwag judgemental. Nagiging kagaya mo na rin ang ibang Kristi-." Napatakip ako ng bibig dahil na-realize ko na nagsalita ako.

"Yes, nagsalita ka rin. Basta topic tungkol sa kanila, e. Pero sorry, ha?"

"Sige na. Apology accepted," sabi ko na lang. Mahirap siyang tiisin.

"Okay, salamat."

"Maki-join ka kina Mama mo ngayon. I know 'di ka nakikisama sa mga ganitong event, pero now, pagbigyan mo na 'ko. For sure, kumakain na sila. Samahan mo na sila. Kain na." Nakatingin ako sa relong suot ko. Pasado alas-dose na. "Kahit hindi mo si-ne-celebrate ang pasko, puntahan mo na sila ro'n. Gawin mo 'yon para sa 'kin. Alam kong every Christmas ay hindi ka sumama makikain sa kanila. Magiging masaya sila kung kasama ka nilang kumakain doon. I-set aside mo ang belief mo. Pamilya mo pa rin sila. Malungkot ka lang diyan sa k'warto mo."

"Sino may sabi na malungkot ako rito? At alam mo na nandito ako sa kuwarto," natatawa niyang sambit. Tumatawa talaga siya para ipalabas na masaya siya.

"Please, Brighty. Join them. Walang katulad ang pamilya natin sa sinumang tao makikilala mo-"

"I-Ikaw... Ikaw ang buhay ko. Ikaw ay parang pamilya ko na rin."

"Pero iba sila, Brighty. Join them."

"What if ayo'ko?"

"I just want na makita kang totoong masaya ngayong pasko. I know naman na ordinaryong araw lang 'to sa 'yo pero please, gusto kong makita kang masaya."

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon