Chapter 1

1.8K 57 9
                                    

VICE'S POV

And I'm home! I missed you, Philippines!

"Ehem! Excuse me." Napadilat ako nang may marinig na nagsalita sa likod ko at nakita ang isang babaeng pababa na rin.

"Sorry" Sabi ko at tuluyan ng bumaba ng eroplano. Nakalimutan kong nasa hagdan pa pala ako. May papikit-pikit pa ko kanina. Nakakahiya!

Dumiretso agad ako sa labas dahil yun yung sinabi sakin nila Anne. Nagpalinga-linga ako sa pagbabakasaling makita sila pero ni anino nila ay hindi ko makita.

Nasaan na yung mga yun?

Hindi ko naman sila matawagan kasi hindi pa ko nakakapagpalit ng SIM Card kaya wala akong nagawa kung hindi hintayin sila.

Habang naghihintay, nakita ko ang babae kanina na nasa likod ko nung pababa ako kaya naalala ko na naman ang nakakahiyang nangyari kanina. Bago ko pa maitago ang mukha ko, lumingon na ito sa akin kaya pilit nalang akong ngumiti at nginitian rin naman ako nito pabalik.

Mukhang di niya ko nakilala kanina.

Pagkaalis nung sinakyan nung babae ay siya ring pagdating ng mga kaibigan kong pinaghintay ako ng halos kalahating minuto.

"Sissy! We missed you!" Agad na tumakbo sila palapit sakin at niyakap ako.

"Kung makayakap naman kayo sakin parang hindi tayo nagkita last year." Sabi ko at kumalas sa pagkakayakap nila. May balak sigurong patayin ako ng mga 'to sa sobrang higpit ng mga yakap.

"Last year pa yun kaya siyempre namiss ka agad namin." Sabi naman ni Karylle na ang dating kulot nitong buhok ay naging straight na.

"Anyare sa buhok mo? Naging Doctor ka lang kung ano-ano ng ginawa mo sa itsura mo." Sabi ko sa kanya.

"Pinaghandaan ko kasi yung pagdating mo." Sabi naman niya kaya napailing nalang ako.

"Tara na! Kailangan pa nating mag-celebrate sa pagbabalik ni Viceral." Sabi ni Vhong at siya na ang nagdala sa maletang hawak ko. Linibot ko naman ang paningin ko dahil parang may kulang.

"Teka nga! Nasaan si Ion? Bakit wala siya?" Nagkatinginan naman sila matapos kong itanong yun.

"Ah si Ion kasi may---"

"May kailangan pang tapusin kaya hindi daw siya makakasama sa pagsundo." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Jhong.

Mas importante ba yun sakin?

Agad na nagbago ang mood ko at dumiretso na sa sasakyan na naghihintay samin. Tahimik ako na umupo at hindi na sila inimik.

Nakakabadtrip! Kung kailan nandito na ko tiyaka naman siya busy. Kung sino pa yung inaasahan kong bubungad sakin sa pagdating ko dito ay siya pang Missing in Action ngayon.

"Nakakainis!" Bulong ko sa sarili.

"Hoy! Okay ka lang ba diyan?" Rinig kong tanong ni Jhong.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" Nakataas ang kilay na sagot ko.

"Siguro kasi wala si Ion?" Sabi naman ni Vhong kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Easy lang, brad! Baka mamatay ako dahil diyan sa tingin mo." Sabi pa nito at iniharang ang kamay sa mukha ko. Hinawi ko naman ang kamay nito at tiningnan sila.

"Sabihin niyo nga sakin, nasaan ba talaga yung mokong na yun? May iba na ba siyang pinagkakaabalahan dito? Linggo naman ngayon kaya siguradong walang pasok dun sa school na pina-handle sa kanya ng pinsan niya." Tanong ko sa kanila.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon