Chapter 19

846 40 26
                                    

VICE'S POV

"Ayoko na." sabay bigay ko sa kanila ng baso. Halos masuka pa ako sa lasa ng inuming tinitira namin ngayon.

I really hate drinking liquors.

"Bilis mo namang sumuko." sabi ni Catriona. Nagulat ba kayo kung bakit diretsong nagsasalita yan ng tagalog?

Lasing na kasi.

Oo. Lasing na siya. Sila pala. Pero siya talaga ang tinamaan na.

Ako naman ay nasa katinuan pa dahil tatlong beses pa lang akong umiinom. Hindi ko kasi talaga kaya ang lasa. Ang pait!

Nagpatuloy na lang sila sa pag-iinuman at hindi na ako ginambala.

Ang mga lalaki ay nag-iinuman rin. Nakapwesto sila malapit sa may bonfire. Kami naman ay nakapwesto 'di kalayuan sa kanila.

Naghiwa-hiwalay kami para daw mas enjoy. They will have their boys talk while kami naman ay girls talk daw. Mga lalaki pa talaga ang nag-suggest niyan. Ang dami nilang arte.

Kinalikot ko na lamang ang cellphone ko at tiningnan ang mga pictures namin kanina.

"Hey Sandra! Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." pangungulit ni Cat.

Nakalimutan kong sabihin na nandito at kasama rin namin si Sandra. Hindi kagaya sa ibang mga kasama ko, mukhang nasa katinuan pa naman siya katulad ko.

Ewan ko ba pero malakas din naman siya uminom pero hindi pa rin siya tinatamaan. Sanay na siguro ang bituka niya sa alak.

Kung si Catriona sobrang ingay, siya naman napakatahimik. Hindi ko alam kung ganiyan lang ba talaga siya o baka sign na yan na malapit na siyang malasing?

Hay ewan!

"Me? What do you want to know about me?" mahinang sabi ni Sandra.

"Englishera pala 'to eh. Basta magkwento ka na lang." namumungay ang mga mata na sabi ni Catriona.

"I'm Sandra Park. Born and raised in Korea. But I know how to speak Tagalog because I'm also a Filipino." sabi ni Sandra.

"Yun lang?" tila aburidong tanong ni Cat. Nanonood lang naman sa kanila sina Tanya, Karylle, at Maia.

"Yeah. I can't share more details about me. Sorry." wika ni Sandra tiyaka nilagok ang inumin sa baso niya.

"Para ka namang secret agent diyan." Natawa yung tatlo sa sinabi ni Cat.

Napailing na lang ako.

Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. Ibang-iba siya sa Catriona na nakilala ko doon sa school. Para siyang tambay sa kanto na nakikipag-inuman kahit na tirik na tirik pa ang sikat ng araw.

Pinatay ko ang cellphone at hinarap sila.

"Ah girls, mauna na ako. Inaantok na kasi ako e." paalam ko sa kanila. Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil alam ko namang pipigilan lang nila ako.

Tumayo agad ako at dire-diretsong tinungo ang tent. Mas mabuting doon na lang ako kaysa dito na puro lasing na ang mga tao.

Pumasok agad ako sa tent at inihiga ang sarili ko. Mabuti na lang at nakapagpalit ako ng damit kanina kaya kahit papaano ay presko ang pakiramdam ko.

Umupo ako at inabot ang bag ko. Kinuha ko doon ang wet wipes at binuksan ito. Pinahid ko ito sa mukha.

Feeling ko kasi oily na masyado ang mukha ko. Wala naman akong dalang cleanser o moisturizer kaya wipes na lang muna.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon