Chapter 35

1K 48 20
                                    

ION'S POV

"Vhong, kailangan ko ang tulong mo."

Kasalukuyan kong kausap sa telepono si Vhong. Kailangan ko kasi ng tulong niya para maisakatuparan ko ang matagal ko ng gustong gawin.

Pwede naman akong humingi ng tulong sa iba pa naming kaibigan pero sa pagkakataong ito, si Vhong lang ang maaasahan ko sa mga ganitong bagay.

(Bakit? May nangyari bang masama sa 'yo?)

"Wala. Ibang tulong ang kailangan ko."

(Ano ba kasi 'yon?)

"Kailangan ko ang tulong mo para mapakasalan ko na si Vice."

Matagal ko na talagang balak gawin ito. Sa katunayan, noong papaalis pa lang siya papunta sa LA para mag-aral, aalokin ko na sana siyang magpakasal kaso baka maisip niyang masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na ginawa. Tiyaka wala rin kasi akong ipon nung mga panahong 'yon kaya ipinagpaliban ko na muna.

Sinabi ko kay Vhong ang lahat ng plano ko. Mula sa pagpaplano ng surpresang kasal hanggang sa pagpaplano ko ring magpatayo na ng sarili naming bahay ni Vice. Sa simula ay nag-aalangan pa siya kasi baka iba raw ang maging kalabasan nito pero sa huli ay nakumbinsi ko naman siyang tulungan ako.

(Sakto! May kilala akong two in one, Event Planner na, Engineer pa.)

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Agad naming kinausap ang kakilalang sinasabi niya. Nasa Korea pala ito. Pero dahil sa kaibigan siya ni Vhong, napapayag niya itong manirahan muna dito sa Pilipinas.

(Ion, ngayong araw na dadating si Sandra rito sa Pilipinas. Masusundo mo ba?)

"Hindi e. Dadating din si Vice ngayon, 'di ba? Ipasundo mo na lang muna siya driver niyo."

Napakasaya ko kasi umuwi na rin si Vice. Makakasama ko na siya araw-araw. Ilang taon rin kaming nagkahiwalay. Mabuti na lang at nanatiling matatag ang relasyon naming dalawa. Mas dumagdag pa sa saya ko nang magkatabi kaming natulog nung gabing nakauwi na siya. Namiss ko talaga 'to.

Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay nina Vice. Nagtext kasi si Vhong at sinabing magkikita raw kami kasama yung kaibigan niyang si Sandra. Pagkadating ko sa resto kung saan kami magkikita-kita, naroon na sila sa loob at naghihintay sa 'kin.

Natuwa ako nang makilala ko si Sandra. Napakabait niya at madaling pakisamahan. Sinabi na namin sa kanya ang buong plano. Tinanggap naman niya ito at pinag-usapan namin ang lahat-lahat tungkol sa plano.

"Ion, paano kung makita ni Vice si Sandra? Hindi ba magtataka 'yon?"

Napaisip ako sa sinabi ni Vhong. Dapat siguro, pag-igihan talaga namin ang pagpaplano. Sinabi ko na lang sa kanila na sasabihin ko kay Vice na talagang kaibigan ni Vhong si Sandra. Binilinan ko rin si Sandra na magpanggap at wag ipakita kay Vice o kahit sino pa sa mga kaibigan namin ang totoo niyang ugali. At hangga't maaari, dapat wala siyang mapagsabihan sa kahit sino sa mga kaibigan namin tungkol sa buhay niya. Mahirap na, baka malaman pa nila. Sumang-ayon naman sila sa mga sinabi ko.

Ngayon naman ay kausap ko ang kaibigan kong si Jobert. Nakilala ko siya noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Nagbebenta siya ng condo units at balak kong bumili para sa 'min ni Vice. Sinabi niya kasing balak niyang bumili ng condo kaya para sigurado, ako na mismo ang naghanap. Balak ko rin kasi talagang magsama na kami sa iisang bubong para palagi ko na siyang makasama. Mabuti na lang at hindi siya nagalit nung sinabi ko sa kanyang dalawa kaming titira doon sa condo.

(Ion, free ba kayo ni Vice mamaya? Naisipan kasi naming magdinner nina Rosario. Wanna join us?)

"Sure, Ma. I'll tell Vice about this."

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon