Chapter 10

1K 50 18
                                    

VICE'S POV

Today is Sunday and it means it's our rest day! Walang pasok sa trabaho, walang iisipin, at buong araw lamang na nandidito sa condo at magpapahinga.

Nakahiga pa rin ako sa kama at kahit na gustong-gusto ko ng bumangon ay hindi ko magawa kasi itong katabi ko ay ang higpit ng yakap sa 'kin. Para naman akong mawawala sa higpit ng yakap niya. Nakatitig lang ako sa ceiling at hinihintay na magising siya nang biglang tumunog ang phone ko. Inabot ko ito at nakitang si Anne ang tumatawag.

"Hello Anne"

(Sis, kailangan niyong pumunta dito.)

"Huh? Saan?"

(Dito sa Makati City Hall.)

"Ano namang gagawin namin diyan?)

(Basta pumunta na kayo dito kasi si Jhong at Maia, magpapakasal na!)

"Magpapakasal lang pala---- ano?!"

Gumalaw naman si Ion sa tabi ko marahil ay dahil sa pagsigaw ko.

(Magpapakasal na sila ngayon kaya pumunta na kayo dito. Now na!)

"Anong oras ba sila magpapakasal?"

(Hinihintay pa namin si Mayor. Mga 10:00 daw nandito na yun kaya bilisan niyo diyan.)

"Okay. Pupunta na kami."

Agad kong binaba ang tawag at niyugyog si Ion na di kalauna'y nagising din naman.

"Bumangon ka na diyan. Kailangan natin umalis." Tumayo na ko at tiningnan ang oras.

7:37 AM

Mabuti na lang at medyo maaga kaming nagising ngayon.

"Saan ba tayo pupunta? Dito na lang tayo, Babe."

"Kailangan nating pumunta sa Makati kasi magpapakasal na sina Jhong at Maia. Doon ka na maligo sa guestroom para mabilis." Pumunta agad ako sa CR at sinimulan ng maligo. It only took me 15 minutes para matapos. Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun basta natapos ako ng ganoon kabilis.

Lumabas ako ng CR wearing only my bathrobe at namili ng susuotin. Hindi naman kasi nila ako sinabihan na ngayon na sila magpapakasal kaya hindi ako nakapaghanda ng damit. Ano bang dapat kong suotin? Ah bahala na.

I pick a simple white long sleeved white dress and paired it with a Taryn Rose High Heel. I applied light makeup on my face and did not even bother to fix my hair. Inilugay ko na lang ito matapos suklayin.

Paglabas ko, nadatnan ko si Ion na nakaupo sa kama at mistulang naghihintay sa 'kin. He is wearing a white polo and a black pants paired with a black shoes. Ang simple lang ng suot niya pero napakagwapo!

Wag mong pagpantasyahan ang boyfriend mo, Vice. Act cool!

"Ganda naman ng Babe ko. Ikaw ba ang ikakasal?" Nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Oo, ako ang ikakasal kay Jhong. Gusto mo yun?" Asar ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin at tumalikod na.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo." He said coldly and walked out of the room.

"Uy, joke lang! Eto naman eh." Sabi ko at hinabol siya.

**********

"By the power vested in me, I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." And in one swift move, Jhong kisses Maia.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Vhong na sinundan ng palakpakan.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon