Chapter 7

1K 50 29
                                    

VICE'S POV

I was slowly walking down the aisle, wearing a simple yet beautiful white dress and a bunch of white flowers on my hands. People on the both side of the aisle are staring and smiling at me.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero base sa nakikita ko para akong nasa isang kasal.

Kasal? Sinong ikinakasal? Ako?

Gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na iyon dahil hindi ko naman alam kung kanino ako ikakasal ngunit iba ang idinidikta ng katawan ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na gusto ko ng umalis dun.

Habang papalapit ako ng papalapit sa altar, I saw a man standing on the end of the aisle wearing a suit. Siya siguro yung groom. While I was walking towards him, naaaninag ko na si Ion ang lalaking yun kaya kahit papaano ay napangiti ako. Hindi ko naman alam na ngayon na pala ang kasal namin.

Pero agad ring napawi ang ngiti ko nang lumiko ako papunta sa kinauupuan ng mga bisita.

Wth?! Anong ibig sabihin nito? Hindi ako yung bride? No way!

Nagsimula namang umingay ang mga tao kaya napatingin ako sa tinitingnan nila, isang babaeng nakasuot ng puting gown.

Siya yung bride?

Parang pamilyar yung itsura niya pero hindi ko matandaan. Maganda siya, maputi, at mukhang may ibang lahi.

Naglakad na ito papalapit kay Ion na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin sa babae. Bakit ganiyan siya makangiti dun sa babae? Sino ba yan?

Pagkarating nung babae sa pwesto ni Ion, agad na silang pumunta sa altar at nagsimula ang seremonya.

Maya-maya,

"I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." Iniangat ni Ion ang veil nung babae at walang ano-ano'y hinalikan ito.

Hindi! Hindi pwede! Hindi maaariiii!

"Babe! Babe wake up!" Hingal na hingal akong napabalikwas sa kama at nakita si Ion na alalang-alala na nakatingin sa akin.

"Okay ka lang? Ano bang napaginipan mo at pinagpapawisan ka?" Doon ko lang napansin ang mga butil ng pawis sa mukha ko. Walanghiya! Yun na yata ang pinakapangit na panaginip sa buong buhay ko. Inabutan niya ko ng tubig kaya uminom muna ako bago siya sinagot.

"Wala. May humabol daw kasi saking aso kaya pinagpawisan ako. Wag mo na kong intindihin." Napatango nalang siya sa sinabi ko at tumayo na.

"Maligo ka na at magbihis. 7:00 AM na baka malate pa tayo sa trabaho. Antayin nalang kita sa baba." Lumabas na siya sa kwarto habang ako ay tumayo na.

Maging sa pagligo ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang panaginip ko kanina. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng pintig ng puso ko na para bang galing ako sa isang marathon.

At ang labis kong ipinagtataka ay ang babaeng nakita ko doon. Parang nakita ko na siya kung saan pero hindi ko talaga matandaan. Pinilit kong alalahanin kung saan ko siya nakita pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Sino ba yun?

Tinapos ko nalang ang pagligo ko at lumabas ng CR na naka-bathrobe. I decided to wear a wrap blouse and a tan trouser pants paired with a Sam Edelman Yuri Embellished High Heel Sandals. Matapos kong mag-ayos, kinuha ko na ang bag ko at pumunta sa kusina kung saan naabutan ko si Ion na naghahanda ng almusal.

"Ang bango naman ng niluto mo! Mukhang masarap yan ah." Umupo ako sa upuan na katapat niya at kumuha ng niluto niyang tocino at itlog. May niluto rin siyang pancake kaya kumuha ako nito at nilagyan ng syrup.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon