Chapter 8

1K 48 15
                                    

VICE'S POV

"Ion, sure ka bang sasali tayo dito?"

"Oo naman. Bakit? May problema ba?" Kinakabahan naman akong tumingin sa kanya.

"Kasi paano kung mahulog yung kamatis? Edi..."

"Edi mangyari kung anong dapat mangyari." Pilyong sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin dahil mas lalong nagpakaba sakin yung sinabi niya.

Paano nga kung mahulog? Edi maaari ngang mangyari yung sinasabi niya?

Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil baka dahil sa kaba ko ay may mangyari pang hindi maganda mamaya sa laro.

Nagsalita na ang emcee at ipinaliwanag ang mechanics ng game.

"Attention, players! So our game this time is the Tomato Dance. Alam kong hindi na bago sa inyo itong laro dahil kahit yata ang mga bata ay alam ito. Pero kahit na ganun ipapaliwanag ko pa rin ang mechanics. Okay, ang bawat pares ay may tig-isang kamatis. Pag nagsimula na ang laro, ilalagay ninyo ito sa pagitan ng noo ninyong dalawa. Kinakailangan na sumayaw kayo o gumalaw man lang dahil pag hindi, out na kayo sa game. Bawal hawakan ang kamatis at pag nahulog ito, automatically out na kayo. Ang huling matitirang pares will be the winner. Understand?" Sabay-sabay naman kaming sumagot ng 'oo' sa kanya.

"Okay, let's start the game in 3...2...1...Go!" Nilagay na namin ni Ion ang kamatis sa noo namin kagaya ng sinabi nung emcee.

Halos hindi na ako huminga dahil SOBRANG lapit ng mukha niya. Oo, capslock talaga para mas damang-dama. We started moving slowly making sure na hindi kami mabubunggo sa ibang pares. Walanghiya! Pinagpapawisan na ko!

Habang tumatagal, pakunti nalang kami ng pakunti dahil may ibang natatanggal na at ngayon, apat na pares nalang kami. At ang kaninang kamatis na nasa noo namin, ngayon ay nasa pisngi na. Nakakadagdag pa sa distraction ang ingay ng mga nanonood at lalong-lalo na ang sinasabi ng emcee.

"Ayun nahulog! Out na kayo." Bahagya pa kong nagulat dahil sa pagsigaw ng emcee kaya bumaba na naman ang kamatis.

"Sorry." Mahinang sabi ko kay Ion.

Nasa may mababang part na ito ng pisngi ko habang nasa may gilid naman ito ng labi ni Ion at kaunting kembot nalang ay mapupunta na ito sa mismong labi niya.

Nagpatuloy kami sa paggalaw at mas mabagal na ngayon kumpara kanina.

"Nahulog ulit! Out na rin kayo." This time, si Ion naman ang mukhang nagulat dahil bumaba ulit ang kamatis. Ngayon, sigurado na akong nasa labi na talaga niya ito habang sa akin naman ay nasa may gilid na ng labi ko.

Jusko! Huwag niyo pong hayaang umabot sa labi ko itong kamatis. Baka kung ano pang mangyari kapag nangyari yun at mahulog ito.

Dalawang pares nalang pala kaming naglalaro. Gusto ko ng matapos ito dahil hindi na magkamayaw sa pagkabog itong dibdib ko.

"Move a little bit faster, players!" Sabi ng emcee.

Tanga ba siya? Kita na ngang naghihirap na kami sa pwesto namin tapos pagagalawin pa kami ng mas mabilis? Tss.

"Hi Sir! Enjoying the view?" Noon ko lang napansin na lumapit pala samin yung emcee at kinausap si Ion.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya at tumingin kay Ion at nahuli itong nakatingin sa akin. Kaya pala. Pinandilatan ko ito pero mukhang wala namang epekto sa kanya kasi nagpatuloy lang ito sa pagtitig sa akin na naging dahilan upang makaramdam ako ng pagkailang.

Nagpatuloy kami sa paggalaw hanggang sa may maapakan akong bato na naging dahilan upang mawalan ako ng balanse at mahulog yung kamatis kaya dumiretso yung labi ni Ion sa.......labi ko!

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon