Chapter 15

908 40 8
                                    

VICE'S POV

Bumalik ako sa sala at muling umupo sa couch. Kakagaling ko lang sa kusina upang ibalik ang platong pinaglagyan ko ng kinain kong cookies.

Kanina pa ako naghihintay kay Ion ngunit hindi pa siy a dumadating. Nasaan na ba yun? Tapos na ba ang trabaho niya?

Oh well, dahil wala pa naman siya, sasabihin ko na lang muna sa inyo ang nangyari noong isang gabi. Alam ko naman kasing curious kayo.

FLASHBACK:

"Babe, bakit kanina ka pa tahimik? May problema ka ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin siya sa 'kin. Naghihintay ng tugon ko.

Nandito kami ngayon sa kusina. Kumakain ng hapunan. Kahit na ayaw ko ng kumain, pinilit pa rin niya ako.

Ibinaba ko ang hawak na kutsara at tinidor saka ibinaling sa kanya ang atensiyon.

"I'll ask you something. Be honest with your answer, Ion." I seriously said. Sumeryoso naman ang mukha niya. Naramdaman niya sigurong seryoso ako.

Huminga ako ng malalim.

"Saan ka ba talaga galing kanina?" I finally said. Bahagyang nag-iba ang itsura ng mukha niya ngunit agad rin itong bumalik sa dati.

"I already told you, galing ako sa site. Ako muna ang nag-take over doon dahil wala si Tanya." Sagot niya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Totoo ba ang sinasabi niya? Dapat ba akong maniwala?

"May problema ka ba? Tell me, Babe." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Napatingin uli ako sa kanya.

"Wala naman. Parang nakita kasi kita sa mall kanina. I guess, namalik-mata lang talaga ako." I heaved out a sigh. Nakita kong para siyang nagulat sa sinabi ko. Hindi ko na lang pinansin yun.

Dapat na kong kumalma. Sinabi na niyang nasa site siya kanina so I should believe him.

"Sa mall? Bakit naman ako pupunta dun? Believe me, hindi ako napadpad doon. And also, kung pupunta man ako dun, I will tell you." Wika niya.

"Sorry. Wag mo na lang isipin yun. Baka nga ibang tao yun." Baka nga.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at natulog na rin mayamaya.

END OF FLASHBACK

And there. Matapos ang pag-uusap namin, medyo kumalma na rin naman ako. Pinipilit ko na ring tanggalin sa sistema ko ang pagdududa sa kanya. Alam ko naman kasing hindi siya yung klase ng lalaking magloloko.

So back to reality, kanina ko pa hinihintay ang magaling kong boyfriend. Ni text man lang wala pa kong natatanggap.

Pupunta kasi kami ngayon sa bahay nina Anne. Birthday ni Dahlia.

Supposedly, 7:30 PM dapat nandoon na kami. Pero quarter to 8:30 na at wala pa rin siya. Ang sabi niya, may dadaanan lang daw siya saglit at gagayak na daw kami. Hindi ko naman alam kung nasaan na siya ngayon. Hind ko siya matawagan at hindi rin sumasagot sa texts. Nakakaimbyerna!

~Ring
~Ring
~Ring

Agad kong dinampot ang cellphone. Napangiti naman ako nang makita kung sino ang tumatawag. Si Ion.

"Hello Babe! Nandiyan ka na ba sa baba? Palabas na ko ng unit."

Kinuha ko na ang bag ko at tumayo para lumabas na.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon