Chapter 12

1K 49 6
                                    

VICE'S POV

Nandito na kami ngayon sa Cable Car Station. Nakatayo kami sa may gilid habang hinihintay si Anne at Vhong na bumalik mula sa pagbabayad ng entrance fee. Mayamaya ay nakita na namin ang mga ito na pabalik.

"Bayad na." Ani Anne pagkalapit sa 'min.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" Sabi naman ni Jhong at akmang mauuna ng maglakad nang magsalita naman si Vhong.

"May problema. Walong tao lang ang maximum sa isang Cable Car kaso sampu tayo. Sinong dalawa yung mahihiwalay?"

Natahimik naman kaming lahat at nagtinginan sa isa't isa. Para kaming nakikipag-usap sa mata ng isa't isa at pare-pareho naming sinasabi na "kayo nalang". Naputol naman ang pagtitinginan namin nang magtaas ng kamay si Ion na parang sasagot lang sa isang recitation.

"Kami na lang ni Vice." Gulat akong tumingin sa kanya dahil sa  kanyang sinabi. He just wiggled his eyebrows as if he's telling me na "Pumayag ka na".

I sighed.

"Oo na. Kami na lang." Natuwa naman sila sa sinabi ko.

Naglakad na kami papunta sa Cable Car at kami muna ni Ion ang sumakay sa una at sila sa pangalawa. Two way ride ang binayaran nila Anne kaya 10 minutes kaming nakasakay doon.
Umupo na kami ni Ion sa upuan.

Medyo nakaramdam ako ng takot nung simula sa takot na baka mahulog kami. Fine, I admit. Takot talaga ako sa heights. Medyo namamawis na rin ang kamay ko dahil sa kaba. Bakit ba kasi ako pumayag na sumakay dito?

"Wag ka kasing tumingin sa baba. Just enjoy the view." Rinig kong sabi ni Ion. Sinunod ko naman siya at mas piniling ituon ang atensiyon sa magagandang tanawin na makikita mula rito. Nakatulong naman ito dahil nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Parehong nakatuon ang atensiyon sa aming nakikita.

Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nararanasan ko ngayon. Waring biglang naglaho lahat ng mga mabibigat na pinapasan ko sa buhay. Lahat gumaan na lang bigla.

Naramdaman kong naglandas ang mga kamay ni Ion sa 'kin hanggang sa tuluyan na niya kong makayakap.

"Babe, alam kong galit ka pa rin sa 'kin."

"Anong sinasabi mo? Bakit naman ako galit?" Sa pagkakaalala ko, maayos naman kami.

"Yung tungkol sa pag-aaway natin kahapon. Pakiramdam ko kasi may galit pa rin diyan sa loob-loob mo." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Isinandal ang ulo sa balikat ko at bumuntong-hininga.

"Ayos na nga yun. Nag-sorry ka na rin naman sa 'kin. Basta sa susunod, huwag magpapadala sa selos."

"Aye! Aye! Captain!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Spongebob?

"Loko!"

Inilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang camera nito.

"Selfie tayo." Aniya at ngumiti sa camera kaya ganun din ang ginawa ko.

Nakailang kuha pa siya ng litrato naming dalawa bago mapagpasyahang itago na uli ito sa bulsa niya.

Natapos na ang sampung minuto namin sa Cable Car. Pagkababa, hinintay muna naming makababa na rin yung mga kaibigan namin.

"Grabe! Ang ganda ng view doon." Masayang wika ni Anne pagkalapit nila sa 'min.

"Alam ko. Nandoon din kami kanina, diba?" Pambabara ko. Sumama naman ang tingin nito sa 'kin.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon