Chapter 21

821 40 31
                                    

VICE'S POV

Matapos kong iparada ang kotseng sinasakyan ko, kinuha ko ang bag at bumaba na. Naglakad ako papunta sa condominium.

Wondering why Ion and I are not together? Nauna kasi siyang umalis kaninang umaga kaya ginamit ko na lang ang kotse kong nakatengga dito sa may parking lot ng condominium.

Hindi ko nga alam kung nandoon na ba siya sa unit namin o wala pa. Hindi kasi tumawag o nag-text man lang buong araw. Hindi na rin ako nag-abalang mag-text o tumawag sa kanya. Baka kasi busy. Maistorbo ko pa siya.

Nang nasa harap na ako ng unit namin, nagulat ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ion. Mukhang may pupuntahan.

"Babe!" Mukhang nagulat rin siya sa pagkakasabi niya.

"O, lalabas ka? Saan punta mo?" tanong ko.

"Hindi. Susunduin lang sana kita sa baba." tugon niya.

Susunduin? Pormadong-pormado tapos susunduin lang ako sa baba?

"Kailangan talaga ganiyan ang outfit mo sa pagsundo doon sa 'kin?" nakangiwi kong tanong. Lumapit ako ng bahagya at sininghot siya.

"Inubos mo pa yata yung perfume mo. Umaalingasaw yung pabango e." dagdag ko pa.

Napakamot naman siya sa batok.

"Ano kasi, maganda yung susunduin ko kaya dapat gwapo rin yung susundo." sabi niya at matamis na ngumiti. Kumindat pa.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko. Jeskelerd!

"Che! Tabi nga diyan." sabi ko na lang para maitago ang kilig na nararamdamam ko.

Tumabi naman siya kaya pumasok na ako. Dumiretso ako sa sofa at ibinagsak ang katawan ko doon. Kapagod.

Narinig ko ang pagkakasara ng pinto at ang mga yapak niyang papalapit sa pwesto ko. Umupo siya sa tabi ko at umakbay sa 'kin. Kinabig niya ko palapit sa kanya. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Pagod?" tanong niya. Tumango naman ako. I felt his hand stroking my hair. Napapikit naman ako dahil sa sarap ng pakiramdam na dulot ng ginagawa niya.

"Kawawa naman ang Babe ko, Haggardo Versoza." Bigla akong napabangon mula sa pagkakasandal sa kanya.

Tama ba ang narinig ko? Haggardo Versoza?

"Ano?" kunot-noong tanong ko.

"Wala." sabi niya at nag-iwas ng tingin. Napansin kong namumula ang mukha nito. Nahiya siguro sa sinabi.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapatingin siya sa 'kin.

"Ikaw ha! Baka kung kani-kaninong bakla ka na sumasama. Kung ano-ano na yang pinagsasabi mo." sermon ko. Natawa naman siya.

"Hindi. Narinig ko lang yan doon sa dalawang baklang costumer na nag-uusap kanina sa restaurant." paliwanag niya. Inirapan ko na lang siya.

Oo nga pala, open na yung restaurant niya. 2 weeks na rin. And so far, marami namang costumer ang dumadayo. Masarap kasi ang mga luto. Lalo na yung chef na nagluluto. Joke lang haha. Hindi ko pa natitikman e.

Tumayo siya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Tara. Kain na tayo." yaya niya.

"Nagluto ka?"

"Oo. Para sana pag-alis ko---" bigla siyang huminto at napakagat ng labi.

"Aalis ka?" Yun dapat ang sasabihin niya, diba? Aalis siya?

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon