Chapter 16

942 34 14
                                    

A/N: Hi guys! Bago niyo basahin ang chapter na ito, may gusto muna akong sabihin. You may have noticed na ever since I started writing here, wala akong isinusulat na bed scenes. Aware rin naman ako dun. Syempre ako gumawa eh. But on a serious note, gusto ko lang sabihin na wag na po kayong umasa na magkakaroon ng ganoon dito kasi hindi po mangyayari yun. Sorry to disappoint you pero totoo yun. Maybe sa future stories meron pero baka lang. Hindi naman sa nagpapaka-inosente. I have read stories na may Rated SPG and watched some movies na may ganoon rin. Hindi lang po kasi ako marunong gumawa. Hindi ko po alam kung paano ina-narrate ang ganoong scenes. So ngayon na alam niyo na, it's up to all of you kung magpapatuloy pa kayo sa pagbabasa. You are free to leave if you want. No hard feelings. And for those who will choose to stay, thank you. Yun lang po.

~KahelAtRosas

—•—

VICE'S POV

"Ma'am, mauna na po ako." Napalingon ako kay Buern matapos niyang magsalita. Nakita ko itong dala-dala ang kaniyang bag at iba pa niyang mga gamit pang-opisina. Uwing-uwi na talaga.

"Sige. Ingat ka," tangi kong nasabi. Lumabas na siya at naiwan akong mag-isa.

Mag-a-alas-siyete na ng gabi ngunit wala pa akong balak na umuwi. Wala pa kasing sumusundo sa 'kin.

Sinabi sa 'kin ni Ion na susunduin niya ako katulad ng parati niyang ginagawa noon. Oo, noon. Ngayon kasi ay madalang na lang niya akong sunduin sa kadahilanang marami siyang inaasikaso.

Natapos na kasi ang restaurant na pinagawa niya. Pinaghahandaan na rin niya ang pagbubukas nito. Hindi ko pa nga lang alam kung kailan dahil wala pa naman siyang nasasabi tungkol dito.

Isinandal ko ang ulo ko sa swivel chair at pumikit. Nakakapagod ang araw na ito. Gusto ko ng umuwi. Nasaan na ba si Ion?

Muntikan pa akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Inayos ko ang aking pagkakaupo at kinuha ito.

Si Ion.

Dali-dali ko naman itong sinagot matapos makita kung sino ang tumatawag.

"Hello Ion! Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito."

(Ah kasi Babe....)

"Hindi mo na naman ako masusundo?"

(Mukhang ganoon na nga.)

Napairap na lang ako sa kawalan na para bang nasa harapan ko lang siya.

"Okay. Kita na lang tayo sa bahay."

Malalim ang buntong-hininga ko matapos maibaba ang tawag.

Hindi na naman niya ako masusundo. Ulit. Sa ilang buwan na lumipas, hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong nangyari. Parang nawawalan na siya ng oras sa 'kin.

Busy kasi siya, Vice.

Busy? Kailangan ba talaga na buong oras at atensiyon niya nasa trabaho? Ganoon ba dapat?

Pagkauwi nga sa bahay, bagsak agad ang katawan niya sa kama. Hindi na niya ako napagluluto ng pagkain kagaya ng nakagawian niya. Wala tuloy akong magawa kung hindi mag-order na lang ng pagkain. Hindi nga kasi ako marunong magluto.

Tuwing umaga naman, mas nauuna pa akong magising sa kanya. Ang nangyayari tuloy, hindi na siya nakapagluluto ng almusal namin. Bumababa na lang ako at bumibili ng lutong pagkain sa kainan na malapit sa condominium.

Ang dami talagang nagbago. Kung hindi ko nga lang alam na trabaho ang pinagkakaabalahan niya, malamang sa malamang ay iisipin kong may iba siyang babae. Hindi niyo rin naman ako masisisi. Sa dami ba naman ng nagbago sa kanya maski sino ay ganoon ang iisipin.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon