Chapter 6

1.1K 56 11
                                    

VICE'S POV

Pikit-mata akong sumandal sa upuan at hinilot ang sentido ko.

"Kanina ka pa diyan ah. Hindi ka pa ba tapos?" Napamulat naman ako ng mga mata nang marinig si Ion. Gising pa pala siya?

"Gumagawa kasi ako ng proposal para sa next meeting namin ni Mr. Romeo. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?" Tanong ko. Naglakad naman ito papalapit sakin at sinilip ang ginagawa ko.

"Di kasi ako makatulog, wala akong kayakap." Malambing niyang sabi at niyakap ako mula sa likod. Isinandal naman niya sa balikat ko ang baba niya at pinupog ng halik ang pisngi ko.

"Matulog ka na. Kailangan mo pang pumasok ng maaga bukas sa trabaho. Tatapusin ko lang ito tapos tatabi na rin ako." Mahinang sabi ko.

"Ano pa ba kasing gagawin mo diyan? Tiyaka sabi mo sakin, nag-usap na kayo niyan noon. Bakit pa kayo magkikita ulit?" Tanong niya nang hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sakin.

"May gusto kasi siyang ipabago." Hinawakan ko naman ang braso niyang nakayakap sakin at sinandal doon ang ulo ko.

"Bakit di mo nalang ipatrabaho yan sa iba? May mga empleyado ka naman eh."

"Mr. Romeo is our big client, Babe. Hindi pwedeng kung kani-kanino ko nalang ipagkatiwala ito. So para makasigurado, ako na mismo ang gagawa para ma-close ko na yung deal with him." Paliwanag ko.

"Kawawa naman ang Babe ko, pagod na pagod na. Basta pag natapos ka na diyan, matulog ka na agad. Kailangan mo pa ring matulog para hindi ka bangag bukas." Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Hinalikan muna niya ko sa ulo bago bumalik sa pagkakahiga sa kama. Ipinagpatuloy ko naman ang pagtapos sa ginagawa ko.

Kaunti nalang. Matatapos na.

Pagtingin ko sa orasan, alas-dos na ng madaling araw. Ilang oras na pala akong nakaupo dito. Dinadalaw na rin ako ng antok.

Kiniskis ko ang mga palad ko at ng makaramdam ng init, ipinikit ko ang mga mata ko at inilagay doon ang mga palad ko. Ganito palagi ang ginagawa ko para malabanan ang antok.

Pinagpatuloy ko ang paggawa hanggang sa makaramdam ako ng pangangalay. Napatingin naman ako sa orasan. Alas-tres na pero hindi pa rin ako tapos. Antok na antok na ko. Hindi na rin tumatalab ang technique kong pampawala ng antok. Ayoko namang magkape kasi hindi ako mahilig uminom nun.

Yumuko ako sa mesa at pinikit ang mga mata ko. Matutulog muna ako ng 10 minutes tapos gigising nalang after para tapusin ito.

**********

Nagising ako nang maramdaman ang init ng sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na bintana.

Init? Sikat ng araw?

Umupo ako at doon ko lang napagtanto na nasa kama pala ako. Paano ako napunta dito eh nandun ako nakaupo sa may mesa at ginagawa ang proposal--- Oh My! Yung proposal!

Dali-dali akong bumangon at pumunta sa pwesto ko kagabi pero hindi ko makita dun yung laptop. Nasaan na yun? Dito ko lang nilagay yun kagabi. Tiningnan ko naman ang loob ng bag dahil baka nakalimutan ko lang at pinasok ko pala ito doon pero sa aking pagkadismaya, wala rin ito doon. Nasaan na ba yun? Hindi pa ko tapos sa paggawa nung proposal.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ion.

"Babe, gising ka na pala. Tara na sa baba." Yaya niya. Sabay na kaming bumaba at dumiretso sa may kusina. Laking tuwa ko ng makita sa ibabaw ng mesa ang laptop ko.

"Ikaw ba nagdala nito dito?" Tanong ko sa kanya habang naghahanda siya ng pagkain.

"Ah oo. Nakatulog ka na kasi kaya hindi na ako nakapagsabi sayo. Nilipat na rin kita dun sa kama para makatulog ka ng maayos kagabi."

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon