Chapter 4

1.1K 52 2
                                    

VICE'S POV

"Ano bang gagawin natin dito?" pangungulit ko pa kay Ion habang papasok na kami sa building.

"Diba naghahanap ka ng condo?" napatango naman ako sa kanya.

"Dito ka nalang bumili. Atleast dito, alam kong safe ka kasi kaibigan ko ang may-ari ng building na 'to. Tapos malapit lang rin ito sa V&M kaya dito ka nalang" napatulala nalang ako dahil sa sinabi niya.

So all this time, hindi nawala sa isip niya yung sinabi kong bibili ako ng condo? I can't believe this!

"Naglaan ka talaga ng oras at effort para lang mahanapan ako ng condo? Ginawa mo yun?" hindi ko alam pero naiiyak ako. Kung tutuusin, ang liit na bagay lang nito pero ewan ko ba kung bakit ganito ang epekto sakin.

"Oo naman. Basta para sayo" sabi niya at kumindat.

"Thank you!" sabi ko at niyakap siya.

"Maraming nakatingin. Nakakahiya" bulong niya sakin. Napabitaw naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa paligid. Marami ngang nakatingin pero hindi ko pa rin inaasahan na sasabihin niya yun.

"Gumaganti ka ba?" ang sakit pala kapag sayo na ginawa. Now I know kung bakit ganun na lang yung naging reaksiyon niya matapos kong sabihin sa kanya yun kanina.

"Joke lang. Halika nga dito" sabi niya at hinapit ako papalapit sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa reception area.

"Good afternoon! How can we help you, Ma'am and Sir?" nakangiting bungad samin ng receptionist.

"We are looking for Jobert. Is he around?" tanong ni Ion.

"Si Sir Jobert po? Wait for a minute, Sir" lumapit naman ang receptionist sa lalaking nakatayo sa may gilid. Pagkabalik nito, kasama na niya ang lalaki at base sa name tag niya, siya yung manager dito.

"Excuse me Sir, kakaalis lang po kasi ni Sir Jobert" sabi nung Manager.

"Ganun ba? Titingnan sana namin yung condo unit na sinabi ko sa kanya" sabi naman ni Ion.

"Kayo po ba si Mr. Perez? Ibinilin po kasi kayo sakin ni Sir Jobert. Ako na po ang magpapakita sa inyo dun sa unit. This way, Ma'am and Sir" sumunod naman kami dun sa Manager.

Nang makarating sa 21st floor, binuksan niya ang isang silid at doon kami pumasok. Ito na siguro yung sinasabi ni Ion na paglilipatan ko.

Pagpasok namin, nagulat ako kasi may mga gamit na sa loob.

"Bakit may mga kagamitan na dito? May tumira na ba dito noon?" tanong ko kay Ion.

"Wala. Bumili na kasi ako agad ng mga furnitures para paglipat mo, hindi ka na mahirapan. Alam ko na rin naman yung mga taste mo kaya hindi na ko nag-abala pang tanungin ka. Okay lang ba?" paliwanag nito. Nilibot ko naman ang paningin ko at masasabi kong, mukhang si Ion nga ang pumili ng mga ito kasi halos lahat ay pasok sa taste ko.

"Alangan namang umangal pa ko eh nandito na 'tong mga 'to" pabiro kong sabi kaya natawa na lang siya.

It's a two-storey condo. Sa baba palang, malawak na ang espasyo kaya maaliwalas sa paningin. Pumunta ako sa may kusina at maging doon ay kumpleto na rin ang mga gamit--- mula sa dining table, cooking equipments, at hanggang sa mga plato, baso, at kutsara.

Pumunta naman ako sa may terrace at totoo ngang malapit lang ito sa pinagtatrabahuan ko kasi kitang-kita mula rito ang V&M.

"Babe, punta tayo sa taas" rinig kong tawag sakin ni Ion kaya pumasok na ulit ako at sumunod sa kanya sa taas.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon