Chapter 13

1K 44 26
                                    

VICE'S POV

Ilang buwan ang lumipas. At sa mga panahong iyon, maraming nagbago. Isa na doon ang tuluyang paglago ng kompanya na ikinasaya ko dahil nagbunga ang mga sakripisyo ko para maitayo ito at maitaguyod.

Maraming bagay pa ang nagbago pero may isa lang ang nanatili........ang kagandahan ko. O walang aangal! Ang umangal hindi magkakajowa kahit kailan!

And speaking of jowa, si Ion naman ay medyo naging busy ngayon. Nakauwi na kasi ang pinsan niyang may-ari ng paaralang pinagtutuunan niya ng pansin noon. At ngayon, pinagkakaabalahan naman niya ang ipinapatayong restaurant.

Oo, sa wakas ay magagawa na niya ang matagal na niyang pinapangarap. Ang magkaroon ng sariling restaurant.

Sa tulong ni Tanya, na ngayon ay isa ng engineer, malapit na nila itong matapos gawin.

At ngayon, plano kong pumunta sa site ng restaurant upang bisitahin si Ion. Hinihintay ko na lang si Vhong. Sabay kasi kaming pupunta doon dahil nandoon din naman ang asawa niya.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa mesa at binuksan ito. Wala pa ring text si Vhong. Pupunta ba talaga yun dito? Baka nakalimutan niyang sasabay ako?

Nag-angat ako ng tingin nang marinig na bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok dito ang taong kanina ko pa hinihintay.

"Tagal mo naman." Tumayo na ako. Kinuha ang bag at naglakad palapit sa kanya.

"Traffic eh." Maikling sagot niya.

Sabay na kaming lumabas at dumiretso sa kotse niyang nakaparada sa labas. Minaneho na niya ito patungo sa site.

Mabuti na lamang at hindi masyadong mabigat ang traffic sa daan papunta doon. Makaraan ang ilang minuto, nakarating na kami roon.

Pinagbuksan ako ni Vhong. Sabay kaming naglakad papunta sa ginagawang establisyemento.

Natanaw ko agad si Ion. Nakatalikod sa amin. Kumunot ang noo ko nang makitang may kausap siya. Isang babae.

Hindi ito si Tanya. Hindi rin naman ito ang architect na kinuha niya dahil iba ang mukha noong huli.

"Babe!" Napalingon si Ion sa direksiyon ko. Maging ang babae ay napatingin sa akin.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila ng hindi pinuputol ang tingin kay Ion.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat sinabihan mo ako para nasundo kita." Hinalikan niya ako sa pisngi nang tuluyan na akong nakalapit.

"No need. Kasabay ko naman si Vhong." Napatingin siya sa likod ko kung saan papalapit na sa amin si Vhong.

Napatingin ako sa babae na ngayon ay nakatingin sa amin. Sa akin.

Base sa itsura niya, halatang may iba siyang lahi. Masyadong maputi ang balat niya para sa isang purong Pilipino. Ang kanyang mata naman ay medyo singkit din. Ang kanyang buhok na lagpas balikat ay kakulay ng sa 'kin. Blonde. Sakto lang rin ang tangkad niya. Maliit ang mukha. Samakatuwid, maganda siya.

Nakasuot siya ng black pants at white printed shirt na naging dahilan upang maging mas maputi siyang tingnan. Pinaresan din niya ito ng white shoes. Simple lang ang kanyang kasuotan pero nagmumukha na siyang modelo ng isang sikat na brand ng damit.

Ang ganda niya.

"Siyanga pala Babe, si Sandra Park. Kaibigan namin ni Vhong." Sandra Park. Koreana.

"And Sandra, si Vice, girlfriend ko." Pagpapatuloy ni Ion.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko ito.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon