Chapter 36

1.1K 57 26
                                    

VICE'S POV

Hindi mabilang na pares na mga mata ang nakatingin sa 'kin ngayon. Mas lalo akong nahihilo dahil sa mga nangyayari.

Nang buksan nina Sandra ang pinto kanina, bumungad sa 'kin ang mga ngiti ng mga bisitang narito. Halos lahat ay pamilyar ang mukha sa 'kin. Nakita ko rin ang mga kaibigan namin na nakaupo sa di kalayuan. Medyo marami nga ang mga bisita sa kasal namin.

Kasal namin.

Wala sa sarili akong napangiti. Sino ba namang mag-aakala na kasal pala namin ang dadaluhan ko. Hindi man lang ako na-inform.

Surprise nga 'di ba?

May surprise pa silang nalalaman. Alam ba nilang may sakit na dinulot sa 'kin ang surprise nilang 'to? Babatukan ko talaga kung sino mang may pakana nito. Sino bang may pasimuno sa surprise na 'to?

Edi yung groom.

Speaking of the groom, tanaw na tanaw ko siya mula dito sa kinatatayuan ko. Ang gwapo niya sa suot niyang itim na suit. Mukha siyang artista.

Ang swerte ko naman. Ang gwapo ng magiging asawa ko.

"Miss, pwede na po kayong maglakad." Maraming beses akong kumurap nang magsalita ang babaeng malapit sa 'kin. Doon ko lang din napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo dito.

Nakakahiya ka, Vice Marie!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad. Nanginginig ang tuhod ko. Parang hindi ko na alam kung paano maglakad ng maayos dahil sa sobrang kaba. Dumagdag pa yung hilo na nararamdaman ko ngayon dulot ng pagkabigla sa mga nangyayari at sa lintik na hangover ko.

Ako lang yata ang ikinasal ngayon na may hangover pa.

Kaliwa't kanang pagbati ang natatanggap ko mula sa mga bisitang nadadaanan ko. Lahat sila ay nakangiti.

Pasimple akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot nito.

Inom pa.

Ayoko na talaga sa alak. Pahamak lang 'yan sa buhay ko.

Napatigil ako sa gitna ng paglalakad at hinilot muna ang ulo ko. Narinig kong napasinghap ang mga bisita kaya sinimulan ko na ulit ang paglalakad.

Bakit ganun yung reaksiyon nila nung huminto ako? Bawal bang huminto sa paglalakad kapag ikinakasal? May ganoon bang pamahiin?

Habang papalapit ako sa harapan, mas dumudoble yung kaba ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Pero ang nangingibabaw ay ang umaapaw na pagmamahal ko para sa lalaking naghihintay sa akin sa dulo.

Lahat ng sakit na naramdaman ko nitong nakaraan ay biglang naglaho. Lahat ng luhang ibinuhos ko ay napalitan na ng ngiti ko ngayon. Lahat ng lungkot at sama ng loob ko noon ay nabalewala at napalitan na ng saya.

Hindi ko pinagsisisihan na iniyakan ko ang lalaking 'to. He's worth it for my tears.

Mahigpit ang hawak ko sa mga bulaklak na ibinigay sa 'kin ni Sandra. Medyo nanginginig din ang kamay ko dala ng kaba.

Hindi ko pinuputol ang tingin ko kay Ion at ganoon din naman siya. Parang ilang dekada kaming hindi nagkita at manghang-mangha kami sa isa't isa ngayon. Ganito talaga siguro kapag in love, hindi ka magsasawa sa mukha niya.

Nakita ko ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang labi dahilan para mapangiti rin ako at mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Nang tuluyan na akong makalapit, doon ko lang napansin na nandoon pala at katabi niya ang kanyang mga magulang. Maging sina Mama at Papa ay nandoon din.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon