Chapter 27

811 55 22
                                    

VICE'S POV

Today is the day!

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Wala na si Ion sa tabi ko nang magising ako. Paniguradong nandoon na siya sa kusina.

Nakangiti akong bumangon ng kama at nag-inat ng katawan. Kinuha ko ang phone ko at pinatugtog ito.

{Playing: I Just Fall In Love Again by Sarah Geronimo}

Dreaming, I must be dreaming
Or am I really lying here with you?
Baby, you take me in your arms
And though I'm wide awake, I know my dream is coming true

Sinimulan kong ligpitin ang pinaghigaan namin. Sinasabayan ko ang kanta habang nakangiti na parang tanga. Sobrang saya ko kasi kaya pagbigyan niyo na.

And, oh, I just fall in love again
Just one touch and then it happens every time
There I go, I just fall in love again and when I do
I can't help myself, I fall in love with you

Nang matapos ako sa pagliligpit, kinuha ko ang suklay at ginawang mic. Sinasabayan ko ang kanta at umiikot-ikot pa. Nakapikit rin ang aking mga mata habang kumakanta para mas damang-dama. Feel na feel ko talaga yung kasiyahang nadarama ko ngayon.

Nang patapos na ang kanta, huminto ako sa pagsayaw-sayaw at tumayo. Finale na kasi kaya kailangan mas dama yung kanta.

"I can't help myself, I fall in love with you~" Binuksan ko ang aking mga mata. Dumapo ito sa may pintuan at nagulat ako sa nakita.

"You fell in love with me?"

Mabagal siyang pumalakpak at nakangiting naglakad palapit sa 'kin. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Lupa, kainin mo ko ngayon!

"K-kanina k-ka p-pa d-diyan?" Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko ngayon. Bakit kasi hindi ko naisip na i-lock yung pinto? Naabutan tuloy ako ni Ion.

"Yes" nakangiting sabi niya.

"N-nakita mo?" nauutal pa ring tanong ko. Nakakahiya!

"Oo. Ang galing mo nga e." sabi niya at itinaas-baba ang mga kilay. Nang-aasar yata.

"B-bakit ka ba kasi nandito? Akala ko nandoon ka sa kusina?" pag-iiba ko ng topic. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Sobrang nakakahiya yung nangyari.

"Gigisingin na sana kita. Hindi ko naman alam na may pa-concert ka pala dito." Langya! Ayaw pa rin akong tantanan.

"Che! Lumabas ka na. Susunod na lang ako mamaya." sabi ko at pumasok na sa walk-in-closet. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi ko na it pinansin.

Anniversary pa naman namin ngayon tapos ganun yung nangyari. Nakakahiya talaga.

Para akong tanga dun kanina tapos nakita pa niya. For sure, hanggang mamaya yung pang-aasar niya. Naiisip ko pa lang, napipikon na ako at gusto ko ng magpalamon sa lupa. Sa dinarami-rami ba naman kasi ng pagkakataon, bakit ngayon pa nangyari 'to? Ang gandang pambungad sa anniversary namin.

Matapos kong maligo, nagbihis na agad ako. White striped polo, black pants, at black sandals, 'yan lang ang suot ko ngayon. Casual outfit lang. Wala naman kasing masyadong ganap ngayon sa office. Matapos makapag-ayos, lumabas na ako ng kwarto. Kahit na may hiya pa rin sa loob-loob ko, hindi ko na ito inisip pa at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko siyang naghahain na ng almusal namin.

"Good morning Babe!" masigla kong bati. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Good morning! Ang sigla mo ah." sabi niya. Umupo na kami pareho.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon