Chapter 35.2

1K 58 22
                                    

ION'S POV

Masakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Hindi yata umabot sa limang oras ang naging tulog ko. Halos magdamag yatang nakadilat ang mga mata ko at nakatunganga sa kawalan. Hindi pa rin kasi matanggap ng buong sistema ko ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Wala na kami.

Parang kahapon lang ay hinatid ko pa siya sa opisina at nagpalitan pa kami ng I love you's pero noong tumuntong ang gabi, natapos na lang bigla ang lahat. Sa isang kisap-mata, naglaho lahat ng saya. Ang bilis.

Mas nakadagdag sa sakit yung katotohanang dahil sa 'kin kaya nangyari lahat ng 'to. Kung hindi ko nakalimutan ang isang napakaimportanteng bagay sa relasyon namin, maayos pa sana lahat.

Sino ba namang gago ang makakalimot sa anniversary nila ng nobya niya?

Ako. Ako lang naman ang gagong nakalimot sa bagay na 'yan. Napakagago ko!

Bumalik ako sa huwisyo nang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa mesa. Inabot ko ito at tiningnan kung sinong tumatawag. Si Vhong.

Agad ko itong sinagot.

(Hello 'tol! Kamusta? Balita ko anniversary niyo kahapon. Tiyaka sabi ni Anne nagluto daw si Vice para sa 'yo.)

Nagluto siya? Ibig sabihin siya mismo ang nagluto ng mga pagkain kagabi? Lahat ng 'yon?

Anong ginawa ko?!

Hindi siya marunong magluto pero nag-effort pa rin siya para sa anniversary namin pero sinayang ko lang lahat ng ginawa niya. Sinaktan ko lang siya.

I'm sorry, Vice.

(Ion? Nandiyan ka pa ba?)

"A-ah oo. May sumagi lang sa isipan ko."

(Kamusta na nga? Anong nangyari?)

"Nag-away kami. Hiniwalayan niya ako."

(Ano?! Bakit naman? Anong nangyari?)

Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Mula noong nagpasukat ako ng damit hanggang sa puntong iniwan niya ako.

(Bakit mo naman nakalimutan?)

"Hindi ko alam. Basta ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko 'yon."

(Teka, nasa condo ka naman ngayon 'di ba? Pupuntahan ka namin ni Jhong diyan.)

Binaba na niya ang tawag kaya kahit ayoko pang bumangon, tumayo na ako at tinungo ang banyo para maligo. Kailangan kong makaramdam ng ginhawa kahit papaano.

Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa kusina para ilagay sa mga tupperware ang mga pagkain. Ipapadala ko na lang 'to sa bahay para hindi masayang. Nag-iwan lang ako ng pagkaing sapat para sa 'kin. Hindi ko naman kasi kayang ubusin lahat 'to.

Tinikman ko ang mga ito. Ang sarap! Kung hindi ko lang siguro nalaman na siya mismo ang nagluto nito, iisipin kong nagpaluto siya sa isang chef. Ang sarap kasi talaga.

May nag-buzzer kaya pumunta ako sa may pintuan at binuksan ito. Yung driver pala namin na pinapunta ko. Ibinigay ko na sa kanya ang bag na naglalaman ng tupperware at sinabing para sa kanila 'yon. Nagpasalamat muna siya bago umalis.

Saktong pag-alis niya ay siya namang pagdating ni Vhong kasama si Jhong at Sandra. Agad lumapit si Sandra at niyakap ako.

"Ion, I'm sorry. Dahil sa 'kin, nagkahiwalay kayo ni Vice. I'm really sorry." malungkot na sabi niya. Ano mang oras ay maiiyak na siya.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon