Chapter 23

749 40 20
                                    

VICE'S POV

"Hey Vice! Thank God I saw you."

Ngiting-ngiti na naglakad papalapit sa kinatatayuan namin ni Anne si Catriona kasama ang nobyo niyang si Zanjoe.

"Zanjoe! Long time no see." sabi naman ni Anne. Bakas ang gulat sa mukha niya.

"Hi Anne!" bati ni Zanjoe sa kanya. Dumapo naman ang mga mata ni Anne kay Cat.

"And you are?" tanong ni Anne sa kanya. Ngayon ko lang naalala na ni minsan ay hindi pa pala nagkita si Anne at Catriona.

Bago pa makasagot si Cat, inunahan na siya ni Zanjoe.

"She's my girlfriend. Catriona Gray." sabi niya at hinawakan ang bewang ng katabi.

"Oh, I see." hindi makapanwalang wika ni Anne.

Bigla naman kaming binalot ng katahimikan matapos yun. Di kalauna'y binasag ko rin ito.

"Nga pala, bakit kayo nandito? I'm quite surprised!" usal ko.

"Sandra invited us. We just arrived actually." sagot ni Cat. Tumango na lang ako.

Matapos ang pag-uusap na yun, naglakad na kami pabalik ni Anne kasama yung dalawa. Sa gulat ko, sumabay sa paglalakad si Cat kay Anne. Hindi rin naman umangal ang huli. Ang nangyari tuloy, kami ni Zanjoe ang magkasabay.

Medyo nauuna na rin yung dalawa sa paglalakad. Mukhang nagkagaanan na ng loob kasi nakikita kung tumatawa na sila sa isa't isa. Palibhasa, parehong englishera.

"Look who's here, guys!" sabi ni Anne pagkarating sa table namin. Naagaw naman niya ang atensiyon ng mga ito at napatingin sa aming direksiyon. Bahagya pa silang nagulat nang makita ang dalawa.

"Hi!" bati ni Cat. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ni Karylle. Sumunod si Zanjoe sa kanya at tumabi rin.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Naabutan ko pang nakatitig sa akin si Ion pero agad ring nag-iwas ng tingin.

"Akala ko ba sa banyo kayo galing?" tanong ni Ion pagkaupo ko sa tabi niya.

"Oo nga."

"Bakit kasama niyo na sila? Nandun din sila sa banyo?" sarkastikong tanong niya. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Nakita kasi namin sila noong pabalik na kami dito." sagot ko. Matapos nun ay hindi na siya kumibo.

Maski sina Jhong ay hindi niya rin kinibo nang tanungin siya ng mga ito. Tuloy ay ako ang tiningnan nila na waring nagtatanong kung anong nangyari. Nagkibit lamang ako ng balikat dahil hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagkakaganiyan.

May topak na naman siguro.

Ilang minuto na ang dumaan ngunit nanatili pa ring walang imik si Ion. Iinom siya ng alak at kapag naubos, titingin sa paligid at papanoorin ang mga taong nandirito. Lalagyan ulit ni Jhong ang baso niya ng alak at iinom na naman siya. Ganoon lang ang ginagawa niya. Paulit-ulit.

Nakaramdam naman ako ng pagkabahala. Baka may nagawa nga ako kaya hindi niya ako pinapansin. Ano namang ginawa ko? Wala akong ideya.

Kumuha ako ng pagkain sa mesa at humarap sa kanya.

"Babe, you want?" nakangiting alok ko. Umiling lang siya.

Dismayado akong ibinalik ulit yun sa mesa. Kumuha ulit ako. Ibang putahe naman.

"Ito? Gusto mo?" Napangiti ako nang lumingon siya.

"Ayoko." walang-emosyong sabi niya. Naglaho naman ang ngiti sa labi ko. Napanguso ako.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon