Chapter 14

906 35 17
                                    

VICE'S POV



Linggo. Dapat sana ay araw ng pahinga naming dalawa. Ngunit heto ako, mag-isa na nakaupo sa sala habang nakatunganga sa TV.

Obviously, wala si Ion dito sa condo. May importante daw siyang pupuntahan. Hindi ko na natanong kung saan dahil paggising ko, wala na siya at nag-iwan na lamang ng sulat sa may mesa na nagsasabing may pinuntahan siya at baka gabihin sa pag-uwi.

Ilang beses ko rin siyang tinawagan ngunit tanging operator lamang ang sumasagot. Mukhang nakapatay ang cellphone.

Pero hindi na ako masyadong nag-alala at nangamba na baka nagloloko na siya kasi alam ko namang hindi niya magagawa sa 'kin yun. Loyal yun eh.

So as I was saying, nakatunganga ako ngayon dito sa harapan ng TV. Nanonood ng isang cooking show. Kumalam tuloy ang sikmura ko.

Gustuhin ko mang magluto ngunit hindi naman ako marunong. Maski pagpi-prito nga halos masunog pa. Mabuti na lang at nag-aral si Ion na magluto dahil kung hindi, panigurado gutom ang aabutin namin.

Akalain niyo yun, nilait-lait ko pa siya noon dahil hindi siya marunong magluto pero ngayon, isa na siyang chef. Tadhana nga naman.

Teka, ang daldal ko na. Ganito talaga siguro kapag bored.

Kinuha ko ang phone sa mesa at tinawagan si Anne. Bibisitahin ko na lang siya sa kanila. Matapos ang ilang ring, sinagot na niya ito.

(Hello sis?)

"Anne, nasaan ka?"

(Nandito sa bahay? Bakit?)

"Pupunta ako diyan ngayon. Bawal humindi. Sige na. Bye!"

Binaba ko na ang tawag bago pa niya ako pigilan sa pagpunta. Usually kasi, kapag sinasabi ko sa kanya na pupuntahan ko siya, pipigilan niya ko. Alam niyo kung bakit? Kasi ayaw na ayaw niyang pumupunta kami sa bahay nila ni Erwan. Privacy daw. Tsk! Noon nga pabalik-balik lang kami sa bahay nila nung wala pa siyang asawa tapos ngayon ganiyan na. Daming arte.

Pinatay ko na ang TV at umakyat sa kwarto para magpalit. Matapos mag-ayos, lumabas na ako at sumakay ng taxi papunta sa bahay nila.

Pagkababa ko, nakita kong mayroong kotse na nakaparada sa labas nila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka bagong sasakyan lang yun ni Erwan.

Pumasok na ako at dumiretso sa sala. Nagulat ako ng may makita akong hindi inaasahang tao na nakaupo sa sofa. Kaya pala may kotse doon sa labas.

"Karylle! Nandito ka rin pala."

"Yes. Naka-leave kasi ako sa hospital. You know, I need to unwind. Medyo stress kasi ako sa trabaho kaya kailangan ng pahinga." Nakangiting sabi ni Karylle.

"Mabuti naman at naisipan mong magpahinga. You should do this often." Umupo ako sa tabi niya.

"Kar---O sis! Nandito ka na pala." Napalingon naman ako kay Anne na kakadating pa lang. Marahil ay galing sa taas. Karga-karga nito ang anak niya na napangiti agad matapos akong makita.

"Ta Ninang!" Ibinaba ito ni Anne at agad na tumakbo sa 'kin.

"Baby Dahlia! How are you? You're looking pretty, huh?" Pinaupo ko ito sa lap ko.

"Naku! Kakapalit ko pa lang ng damit niyan pero mukhang mababasa na naman dahil nandito ka." Sabi ni Anne at umupo na rin.

"Judgemental ka talaga! Mabuti nga at may kalaro itong anak mo."

"Bakit kasi di ka na gumawa ng sayo para may kalaro na talaga yang anak ko." Sabi ni Anne. Nakatingin sa 'kin.

"Gaga! Wala akong obaryo. Yang si Karylle ang sabihan mo."

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon