Chapter 33

895 56 29
                                    

VICE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas matapos kong malaman ang mga bagay na 'yon. Apat na araw na lang din ay matatapos na ang bakasyon namin dito at babalik na kami sa Pilipinas.

Dapat ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng saya kasi makakauwi na kami. Iyon naman kasi ang gusto ko, ang makauwi na. Pero bakit wala akong maramdamang saya ngayon? Bakit walang excitement?

Kasi nandito rin siya.

Oo nga pala. Nandito na siya sa Taiwan. Wala na akong rason para makaramdam ng pagkasabik na umuwi. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ko gustong umuwi pero ngayong nandito na rin siya, parang gusto ko na lang manatili dito.

At dahil apat na araw na lang ang pananatili namin dito, mas tinodo na namin ang pamamasyal. Sa katunayan, kakagaling lang namin sa isang mall. Nag-shopping lang kaming tatlo. Halos marami rin kaming biniling mga damit kaya naman ngayon, medyo nahihirapan kaming dalhin ito.

Nandito na kami sa labas ng mall habang hinihintay ang service namin. Iyong service namin ay yung sumundo rin sa 'min noon sa airport. Sabi kasi nung kapatid ni Erwan, si Soleen, mas makakabuti raw kung may maghahatid at magsusundo sa 'min para hindi na kami masyadong mahirapan. Hindi na rin kami tumanggi sa alok niya. Mas mabuti nga ang ganito kasi hindi na kami maliligaw sa mga pupuntahan namin.

Habang naghihintay, inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagbabakasali akong makita siya rito. Baka lang naman pagbigyan ako ng tadhana at magkatagpo kami sa lugar na 'to.

"Uy, ano bang hinahanap mo at kung saan-saan na dumadapo 'yang paningin mo?" pansin ni Karylle sa 'kin.

"Wala. Wag mo nga akong pansinin." sabi ko. Nang mawala sa 'kin ang atensiyon niya, inilibot ko ulit ang paningin ko.

Makikita ko kaya siya rito?

Sana. Hindi naman imposible yun 'di ba? Nandito rin siya sa Taiwan kaya posibleng magkita rin kami.

"Hoy Viceral! Hindi mo 'yon makikita rito." Halos mapatalon ako sa kintatayuan ko nang biglang magsalita si Anne. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Napansin ko naman si Karylle na natatawa sa nakikita niya ngayon.

"A-anong pinagsasabi mo diyan?" nagkakanda-utal-utal na tanong ko. Nagulat talaga ako e.

"Playing dumb, huh? Alam ko naman kasing may hinahanap ka rito. Alam kong may inaasahan kang makita. Ako na mismo ang nagsasabi sa 'yo, hindi mo 'yon makikita kasi busy 'yon sa paghahanda para sa kasal nila." Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang babaeng 'to. Pero dahil sa sinabi niya, agad na kumunot ang noo ko.

Hindi sila magpapakasal!

Kahit ano pang sabihin nila, hindi ako maniniwala. Unless, sa kanya mismo manggaling. Kapag sinabi niya, doon na ako maniniwala. Pero wag naman sanang mangyari 'yon. Baka mawalan na lang ako bigla ng pag-asa sa buhay.

Inismiran ko na lang siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Ilang sandali pa, dumating na ang sasakyang hinihintay namin. Ipinasok na namin ang mga pinamili namin tiyaka kami sumakay.

Habang nasa biyahe, nakatingin lamang ako sa labas habang sina Anne at Karylle ay nag-uusap. Nang dinalaw ako ng pagkabagot, kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag tiyaka binuksan ito. Binuksan ko ang twitter app at inaliw ang sarili doon. Mayamaya, may nagpop-up na instagram notification.

May bagong post si Ion.

Dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko, agad ko itong pinindot. Malawak ang ngiti ko habang hinihintay na mag-load ang picture na pinost niya.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon