Chapter 22

786 40 22
                                    

VICE'S POV

"Babe! Bilisan mo na diyan!" rinig kong sigaw ni Ion mula sa labas ng kwarto namin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na siyang sumigaw doon.

"Teka! Palabas na!" sigaw ko pabalik. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng salamin at naglakad palabas.

Nakita ko siya sa labas na nakakunot ang noo. Mukhang aburido.

"Ang tagal mo." bungad niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mabuti na lang at maganda ka diyan sa ayos mo. Tara na." sabi niya. Tumalikod na siya at naglakad pababa.

"Bakit ka ba nagmamadali? Alas-siyete palang o. 8:30 naman yung usapan doon." sabi ko habang sumusunod sa kanya pababa.

"Alam mo naman kasing traffic baka ma-late tayo papunta kina Sandra kung mamaya pa tayo aalis." sagot niya.

Yes, you read it right. Sa bahay kami ni Sandra pupunta. Birthday niya kasi. Invited kaming mga kaibigan niya. May party daw na magaganap.

At dahil pupunta kami ng party, kailangang nakaayos kami pareho. Nakasuot ako ng turtleneck long-sleeved fitted dress at sandal na sinuotan ko ng black socks. My dress has a combination of blue and gray color. Kurbang-kurba ang katawan ko sa suot ko ngayon.

Si Ion naman, he's wearing a white long sleeves. Pinatungan niya ito ng gray na coat. He's wearing a gray pants for his bottom. Pinaresan niya ito ng black shoes.

Terno kami ng outfit.

(A/N: Imagine Vice and Ion's outfit when they attended Vhong and Tanya's wedding. Yun yung tinutukoy kong outfit nila diyan.)

Pagkalabas namin ng elevator, naglakad na kami palabas ng building. Nabigla ako nang ipulupot ni Ion ang braso niya sa bewang ko.

"Ang daming lalaking nakatingin sa 'yo. Bakit kasi yan ang suot mong dress?" sabi niya. Mukhang napansin niya ang pagkabigla ko.

Napatingin ako sa paligid. Tama nga siya. May iilang mga lalaki na sinusundan kami, or should I say, ako ng tingin.

Sorry boys, I already got my man. Better luck next time.

Pagdating sa kotse, nilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang may nag-message. Mayamaya lang, itinago na niya ito. Pero bago pa niya paandarin ang kotse, hinubad niya ang coat na suot at ibinigay ito sa 'kin. Ano namang gagawin ko dito?

"Aanhin ko 'to?" tanong ko.

"Suotin mo." tipid niyang sagot. Pinaandar na niya ang kotse.

"Ayoko nga. Ang baduy ko na tingnan." angal ko. Ang pangit kasi kapag pinatungan ko ng coat itong suot kong dress. Sayang naman ang matagal kong pag-aayos kung masisira lang rin nang dahil sa coat na 'to.

"Susuotin mo yan o magpapalit ka ng damit? Hindi pa tayo nakakalayo." seryosong aniya.

Seryoso ba siya? Ilang oras ang ginugol ko para lang makapili ng magandang damit para sa okasyong pupuntahan namin pagkatapos ganito ang mangyayari?! Nakakainis ha!

"Ano na?" tanong niya ulit. Tiningnan ko siya ng masama. Bwisit kang lalaki ka!

Padabog kong isinuot ang coat na binigay niya. Hindi ko na alam kung anong itsura ko nito. Basta ang alam ko lang, ang baduy!

"Good girl!" natutuwang sabi niya. Nang-asar pa. Bwisit talaga!

Pagdating namin sa bahay ni Sandra, nakasabay namin sina Anne at Erwan papasok. Kasama nila si Dahlia.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon