Chapter 37

1.3K 41 13
                                    

VICE'S POV

15 years after...

"Alexandria! Puntahan mo nga 'yong kapatid mo doon sa taas. Pababain mo na dito. Bilisan mo at aalis na tayo!" sigaw ko mula dito sa kusina.

"Opo!" rinig kong sagot naman nito.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga gamit at inilagay ito sa isang picnic basket.

"Hi Babe!" Humalik sa pisngi ko ang bagong dating na si Ion. Mukhang kakagaling niya lang sa kwarto.

"Bakit ba nakakunot na naman 'yang noo mo? Umagang-umaga tapos nakabusangot ka. Smile ka naman." Hinarap niya ako sa kanya at inunat ang pagkakakunot ng noo ko. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

"Male-late na kasi tayo sa lakad natin. Tapos 'yong anak mong lalaki ang bagal kumilos!" sabi ko na waring nagsusumbong sa kanya.

"Wag mo ng isipin 'yon. Ako ng bahala. Tapusin mo na lang ang ginagawa mo diyan at ako na ang bahala sa mga bata, okay?" Tumango ako sa sinabi niya. Hinalikan niya muna ako sa labi bago naglakad papalabas ng kusina.

"O, nandito na pala sila e. Bihis na bihis na." Tumingin ako sa direksiyon nila at nakita siya kasama ang dalawa naming anak. Totoo ngang nakabihis na sila.

"Mauna na kayo doon sa kotse. Susunod na kami ng Mama mo." sabi ni Ion sa kanila.

"Okay Pa. Let's go, Cullen." Sabay na naglaho ang dalawang bata sa kusina at kami na lang ang naiwan. Tinapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit at naghugas na ng kamay.

Kinuha na ni Ion ang basket at sabay na kaming naglakad papalabas ng bahay. Dumiretso kami sa garahe kung saan nakaparada na ang sasakyan. Sa likod nakaupo ang dalawang bata habang ako ay sa tabi ni Ion umupo. Binuhay na niya ang makina at pinaandar ito.

Labing-limang taon na ang lumipas matapos ang lahat. Sa mahabang panahon na 'yon, maraming nagbago. Mas lalong tumibay ang samahan namin ni Ion. Mas lalong lumalim ang pagtingin namin sa isa't isa. Nagkaroon na rin kami ng dalawang anak. Mga batang inampon namin.

Si Alexandria, ang batang inampon namin mula sa isang orphanage 13 years ago. Sanggol pa lang siya noong inampon namin kaya nasaksihan namin ang paglaki niya. Natuwa kami dahil kahit nalaman niyang hindi kami ang totoo niyang mga magulang, minahal niya pa rin kami.

Si Cullen naman ay ang batang lalaki na iniwan sa labas ng condo unit namin noong sanggol pa lang siya 9 years ago. Naloka ako noong mga panahong 'yon dahil mag-iiwan na nga lang ng bata, sa isang condominium pa at talagang sa unit pa namin. Noong tiningnan namin ang CCTV doon sa condominium, nakita namin ang isang babaeng nag-iwan sa kanya pero hindi namin namukhaan dahil may takip ang mukha nito. Wala ring sulat na nakalakip doon sa sanggol kaya hindi na namin nalaman. Wala naman kaming nagawa kung hindi ampunin na lang rin siya. At katulad ni Alexandria, minahal din kami ni Cullen na parang totoo niyang mga magulang kahit na alam naman niyang hindi kami ang biological parents niya.

At kahit na hindi magkadugo si Alexandria at Cullen, mahal pa rin nila ang isa't isa na parang tunay na magkapatid. Kahit na alam rin nila na hindi ako tunay na babae, tinanggap, minahal, at tinuring pa rin nila akong Mama nila. At sa simpleng bagay na 'yon, mas lalo nilang pinaligaya ang puso ko.

Hindi na rin kami nakatira sa condo ngayon dahil natapos na ang bahay na pinagawa ni Ion. Iyong surpresang bahay din niya para sa 'min. Paminsan-minsan ay bumibisita pa rin naman kami sa condo kasama ang mga bata.

Ipinaliwanag na rin ni Ion sa 'kin ang lahat-lahat tungkol doon sa surpresang kasal. Pinagtulungan pala nila ako. Nalaman ko rin na totoo pa lang nakalimutan niya talaga 'yong anniversary namin. Pero imbis na magalit, pinalampas ko na lang 'yon. Tapos na e. Kaya naman tuwing anniversary namin, palagi siyang may pakulo. Nitong last anniversary nga namin ay dinala niya kami sa Palawan. Anniversay celebration slash family time raw. Hays, ang dami niyang alam.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon