Chapter 3

1.1K 53 27
                                    

VICE'S POV

Boring.

Sa hindi ko na mabilang na beses, tumayo ulit ako papunta sa table at umupo sa swivel chair. Sinimulan kong kalkalin ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa sa pag-asang may nakaligtaan akong trabahuin pero sa kasamaang-palad, lahat ng mga ito ay natapos ko na. Inis akong sumandal sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Kinakain na ako ng pagkabagot dito sa loob ng opisina ko.

Natapos ko na kasi lahat ng commitments ko ngayong araw at wala na akong iba pang tatrabahuin. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang ideyang umuwi na pero ayoko naman kasi mas mababagot lang ako dun sa bahay.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas-dos palang mg tanghali.

Paniguradong nasa school pa si Ion.

Sa halip na magmukmok dito, pupuntahan ko nalang siya. Hindi na ako nag-abala pang sabihan siyang pupunta ako dahil balak ko siyang surpresahin. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

Narinig ko naman na bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito. Si Buern lang pala.

"Do you need anything?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mukha ko sa salamin.

"Wala naman po. Aalis na po kayo?" tanong nito sakin.

"Ah oo. Baka kasi mamatay na ko dito sa sobrang pagkabagot" itinago ko na ang salamin sa bag ko at naglakad na palapit sa
pinto.

"Ganun po ba? Mag-iingat po kayo" rinig kong sabi nito kaya kinawayan ko nalang siya at dumiretso sa may elevator. Pagkadating ko sa parking lot, agad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa paaralan na kinaroroonan ni Ion.

**********

Hindi ako nahirapang makapasok sa school pagkarating ko doon matapos kong banggitin ang pangalan ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit basta matapos kong sabihin kung sino ako, naging aligaga yung mga guards at agad akong pinapasok.

Matapos kong malaman kung nasaan ang office ni Ion, agad akong nagtungo papunta doon. Masasabi mo agad na school for kids talaga ito dahil sa mga decorations sa bawat classroom. May playground din sa labas. Mahahalata ring mayayamang bata lamang ang nag-aaral dito dahil sa mga yaya na naghihintay sa labas ng bawat room.

Pagkadating ko sa office niya, agad kong binuksan ang pinto nito.

"Surp--- Oh my! I'm sorry, mali yata ang napuntahan ko" nagulat ako ng imbis na si Ion ang makita ko, isang babae ang bumungad sa akin.

"Wait!" sabi nito kaya napatigil naman ako sa paglabas at liningon siya.

"I think your kinda lost. I might help you since I'm a teacher here" nakangiting sabi nito. In all fairness, ang ganda niya.

"I am looking for Mr. Perez" sabi ko naman sa kanya.

"He's in the court right now with my students. Sumabay ka nalang sakin if you want. Papunta rin naman ako dun" sabi niya kaya tumango nalang ako. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sinasabi niyang court.

"Auhm, if you don't mind, is it okay if I ask something?" tanong nito.

"Go on" tugon ko. Nakakahiya naman sa mga teachers dito, english speaking. Dudugo ilong ko nito.

"What's your connection with Mr. Perez?" tanong niya.

"He's my boyfriend" napatigil naman ito sa paglalakad kaya napatigil rin ako at hinarap siya.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon