Chapter 25

800 40 5
                                    

VICE'S POV

"Tara na." Sabay kaming naglakad ni Ion palabas ng opisina ko. Kakatapos lang ng meeting ko at sa wakas, makakuwi na kami.

Kanina pa siya naghihintay sa 'kin. Alas-kwarto palang ay nandito na siya. Pinaghintay ko muna dahil may tinapos pa akong meeting. Pumayag rin naman siyang maghintay sa office.

Pagtingin ko sa wristwatch ko, alas-sais na. Kaya pala medyo madilim na ang kalangitan.

Pagsakay namin sa kotse, naiwan muna siya sa labas dahil may tumawag.

"Sino 'yon?" tanong ko pagkapasok niya.

"Si Jhong. Pinapapunta tayo sa bahay nina Vhong." sagot niya at pinaandar ang sasakyan.

"Bakit daw?" Sa pagkakaalala ko, wala namang okasyon ngayon. Anong mayroon?

"Nagkayayaang mag-inuman. Libre kasi tayong lahat ngayon kaya sinasamantala na nila yung pagkakataon." Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tama naman. Nitong mga nakaraang linggo kasi, halos hindi na kami nagkikita-kitang magkakaibigan. Lahat abala sa mga kanya-kanyang trabaho. Maging pagtext o pagtawag ay hindi na namin nagagawa sa isa't isa. Paniguradong katulad ko, pagkauwi ay bagsak agad sa kama ang mga katawan nila. Hindi ko alam kung bakit nagkasabay-sabay pa kaming maging abala lahat.

Mabuti na rin sigurong magbonding kami ngayon habang may mga libreng oras kami.

At dahil nga nagkayayaan, sa bahay kami nina Vhong dumiretso. May nakita akong mga nakaparadang kotse sa labas. Paniguradong sa kanila 'yon.

Hindi pa kami nakakapasok sa mismong bahay nila, rinig na rinig ko na ang kanilang mga ingay. May naririnig akong halakhakan. Ngunit ang nangingibabaw sa lahat ay ang tunog ng videoke. Ang tinis ng boses ng kumakanta. Si Anne 'yon, walang duda.

At tama nga ako dahil pagkapasok namin, naabutan namin si Anne na todo ang pagbirit sa paborito niyang kanta. Alone.

"How do I get you alone~!! Alone~!!"

Medyo napangiwi ako dahil sa boses niya ngunit napalitan din agad ito ng ngiti. Nakakamiss ito.

Namataan ko rin yung iba naming kaibigan sa sofa. Ang mag-asawang doktor na sina Yael at Karylle ay nakaupo sa dulo at pumipili ng kanta sa songbook. Si Jhong na pasimpleng kinukuhanan ng video si Anne habang ang kanyang asawa na si Maia ay natatawa na lang sa pinaggagawa ng asawa niya. Si Vhong naman na maya't mayang napapailing dahil sa kaingayan ni Anne.

"O, nandito na pala kayo." Sabay kaming napalingon ni Ion nang may magsalita mula sa aming likuran.

Nakita namin si Tanya na may dalang dalawang plato na may lamang sisig at pritong karne ng baboy. Mukhang kakagaling niya lang sa kusina.

"Kakadating lang." wika ni Ion. Naglakad na kami papalapit sa kanila. Mukhang naagaw namin ang atensiyon nila dahil halos lahat sila ay napatingin sa 'min.

"Ang tagal niyo namang dumating." reklamo ni Jhong na itinago na ang cellphone sa bulsa.

"Ang dami mo talagang reklamo!" kunwari ay masungit kong usal. Mayamaya lang ay natatawa siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako.

"Namiss kita." mahinang sabi niya. Niyakap ko rin siya.

"Namiss rin kita. Kayo rin." Tumingin ako sa iba pa naming mga kaibigan, lahat sila nakangiti.

Isa-isa silang nagsilapitan at sumali sa yakapan. Maging si Ion ay sumali rin.

Nagpupunas ng mga mata ang bawat isa nang kumalas kami sa yakapan. Sina Tanya, Yael, at Maia na bagama't hindi sumali ay naluluha rin.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon