Chapter 34

981 57 59
                                    

VICE'S POV

"Sis, wake up!"

Boses ba 'yon ni Anne? Pero parang hindi naman. Baka nananaginip lang ako.

"Vicey, gising na! Uy!"

Si Karylle ba 'yon? Pero baka hindi rin. Ano ba namang panaginip 'to? Bakit present yung dalawa?

Bumaling ako sa kabilang direksiyon at niyakap ang unan na hawak ko.

"Vice Marie Viceral! Tumayo ka na diyan! Male-late na tayo sa kasal!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang nakakarinding ingay ni Anne.

"Ouch!" Dahil sa biglaan kong pagbangon, bigla kong naramdaman ang kirot sa ulo ko. Para itong binibiyak sa sakit.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Karylle. Tumango lang ako.

"Ano bang ginawa mo at sumasakit 'yang ulo mo ngayon?" tanong naman ni Anne. Hindi naman ako nakasagot at nanatiling nakahawak sa ulo ko.

Bakit ba kasi uminom pa ako kagabi? Di ko na talaga gagawin 'yon ulit.

"My gosh! Uminom ka ba?" Napatingin ako kay Anne. Nakita ko siyang nakatingin sa dalawang bote ng alak na nakapatong sa mesa. Nakaligtaan ko bang linisin yun kagabi? Aish! Mas sumakit lalo yung ulo ko ngayon.

"Alam mo namang may kasal tayong pupuntahan tapos uminom-inom ka pa kagabi." sermon ni Anne.

"I'm sorry, okay? Lumabas na kayo. Mag-aayos na ako." sabi ko sa kanila. Nakita ko namang may isang babaeng nasa labas ng kwarto. Marahil ay staff 'yon na inabala na naman nila.

Nang maisara na ang pinto, tumayo na ako habang nakahawak pa rin sa ulo. Langya ang sakit talaga!

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Medyo nabawasan naman ng kaunti ang sakit ng ulo ko matapos makaligo. Oo, kaunti lang kasi kumikirot pa rin ito. Nakasuot ako ng bathrobe pagkalabas ko ng banyo.

Ano bang susuotin ko papunta doon?

Habang pumipili ng damit, may nahagip akong isang kahon. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko nang mamukhaan ko ang kahong ito.
Dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan. Tumambad sa 'kin ang kwintas na ibinigay ni Ion.

Kwintas na sumisimbolo sa pagmamahal niya para sa 'kin.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga masasayang alaala naming dalawa. Mga alaalang mananatili na lamang sa nakaraan.

Biglang may pumatak na luha sa mukha ko kaya agad ko itong pinunasan.

Hindi ko inaasahang hahantong tayo sa ganitong sitwasyon. Buong akala ko, tayo talaga hanggang dulo. Pero hindi e. Pinagtagpo lang siguro tayo para maiparanas sa isa't isa ang totoong pagmamahal.

Mahirap. Mahirap tanggapin ang katotohanan na mapupunta ka na sa iba. Masyadong mahirap tanggapin ang katotohanan. Masyado itong masakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko.

Pero kahit na ganoon, susubukan ko pa rin. Hangga't makakaya ko, susubukan kong tanggapin na wala na talaga. Susubukan kong tanggapin na hanggang dito na lang tayo. Wala ng pwedeng idugtong sa istorya natin. Tapos na. Wala na.

Pero hindi ganoon kadali e. It will take time. A lot of time. Baka taon? Dekada? O baka panghabang-buhay. Hindi ko alam kung gaano katagal pa bago ko tuluyang matanggap ang lahat-lahat.

Pero kahit na anong mangyari, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ng panghabang-buhay.

Walang magbabago doon. Ikaw lang, Ion.

Kahit na magkaroon ka na ng iba, mananatili pa rin akong nakatanaw sa 'yo mula sa malayo.

Humugot ako ng malalim na hininga tiyaka pinunasan ang mga luhang kumawala sa 'king mga mata.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon