Chapter 30

910 48 15
                                    

VICE'S POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang lahat ng nangyari. Isang linggo na rin akong nananatili rito sa bahay namin. At sa loob ng isang linggong 'yon, wala akong ibang ginawa kung hindi gumising, lumabas ng kwarto upang kumain at pagkatapos ay bumalik na ulit sa kwarto upang matulog o di kaya'y tumunganga sa kawalan.

Araw-araw ding bumibisita ang mga kaibigan ko. Araw-araw, walang palya. Daig ko pa ang may sakit dahil sa palagi nilang pagdalaw. May mga dala pa silang mga pagkain kapag pumupunta dito. Minsan nga'y nagdala sina Vhong at Jhong ng bulaklak, ayun at binatukan ko. Wala naman akong sakit so bakit may pabulaklak? Mga siraulo talaga.

Laking pasasalamat ko rin na pinupuntahan nila ako dahil kahit papaano, nababawasan yung sakit na nararamdaman. Kahit papaano, nakakatawa at nakakangiti ako. Dahil sa mga kalokohan nila, kahit panandalian ay nakakalimutan kong may pinagdadaanan ako.

Yung sakit nakakalimutan pero siya, hindi.

And speaking of him, isang linggo na rin siyang walang paramdam. Kahit text o tawag, wala. Mukhang hindi man lang siya naapektuhan sa nangyari sa 'min. Parang ako lang yung nasaktan. Parang nakalimutan na niya ako.

Hiniwalayan mo na e.

Oo nga pala, hiniwalayan ko na siya. Ang shunga ko. Ako yung nakipaghiwalay tapos ako naman itong todo kung makareklamo ngayon dahil wala siyang paramdam. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Masyado yata akong nadala sa bugso ng damdamin ko at nasabi ko ang mga bagay na yun.

Gusto ko siyang tawagan at kausapin. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero may kung ano sa isip ko na paulit-ulit na bumubulong na wag kong gawin 'yon. May parte sa 'kin na natatakot. Pinapangunahan ako ng takot na baka siya naman yung umayaw. Natatakot ako na baka sa pagkakataong ito, siya naman yung mang-iwan.

Nag-aalinlangan din akong bawiin lahat ng sinabi ko kasi baka ayos lang sa kanya na magkahiwalay kami para maipagpatuloy nila ang kung ano mang mayroon sila ni Sandra.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig kong may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok sina Anne at Karylle.

"Bakit nakahilata ka pa diyan?" bungad ni Anne. Napansin ko naman ang mga itsura nila. Bakit parang bihis na bihis sila?

"Ang aga-aga pa kaya." sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Anong maaga? Hoy, malapit na mag-alas-onse. Tumayo ka na diyan." sabi ni Karylle at hinila ang kumot na nakabalot sa 'kin.

"Bakit ba kasi?" Umupo ako sa kama at kunot-noong tiningnan sila.

"Aalis tayo." maikling sabi ni Anne at tiningnan ang cellphone niya.

"Saan naman?"

"Sa Taiwan." sagot ni Karylle at tiningnan din ang cellphone niya. Ano bang meron sa mga cellphone nila?

Pero ano raw? Taiwan?

"HA HA HA! Nakakatawa kayo. Galing niyong magjoke." sarkastikong sabi ko.

"Sino ba kasing nagsabi na nagbibiro kami?" inis na sabi ni Anne. So seryoso sila dun? Pupunta nga kami sa Taiwan?

"Ano namang gagawin natin dun?"

"Maghahanap ng ipapalit kay Ion." malawak ang ngiting sabi ni Anne. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Joke. Magbabakasyon tayo dun." agad niyang bawi.

Bakasyon? Sounds great. Pero mas maganda kung kasama siya.

"Ayoko. Hindi ako makakasama. Di ko pa naaayos passport ko." sabi ko at bumalik sa pagkakahiga.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon