Chapter 9

1K 44 4
                                    

VICE'S POV

~Ring
~Ring
~Ring

Napatigil ako sa pagtitipa sa laptop at agad na kinuha ang cellphone sa loob ng bag at sinagot ito.

"Hello?"

(Hello Babe!)

"Ikaw pala. Bakit? May problema ba?"

(Wala naman. Tumawag kasi sakin si Mama, dun na daw tayo mag-dinner sa bahay.)

"Nakauwi na pala sila galing sa Medical Mission?"

(Oo. Kagabi lang. Basta hintayin mo na lang ako diyan tapos sabay na tayong pumunta. At oo nga pala, pupunta rin sina Tita Rosario mamaya.)

"Talaga? Sabagay, kakauwi lang rin nila noong isang araw. Instant reunion na rin pala ito para kay Mama at Tita Zenny. O sige na, Babe. May tatapusin pa kasi ako. Hintayin na lang kita dito."

(Okay. I love you!)

"I love you, too! Bye"

"Ang sweet niyo naman, Ma'am".

"Ay bakla!" Napaigtad ako nang tumambad sa harapan ko si Buern pagkababa ko ng tawag.

"Bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot diyan? Nakakagulat ka naman!" Asik ko at sinamaan siya ng tingin. Nagulat talaga ako ng bongga sa kanya!

"Sorry naman, Ma'am. Kanina pa po kasi ako kumakatok pero hindi naman kayo sumasagot kaya pumasok na ako. Hindi ko naman po alam na kausap niyo pala yung jowa niyo." Paliwanag naman niya.

"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko. This time, mas mahinahon na kumpara kanina.

"Sasabihin ko lang po sana na Mr. Abueva rescheduled his meeting with you. Supposedly, you will be having a meeting with him this 4:00 PM pero bukas nalang daw po at exactly 11:30 AM. Lunch Meeting to be exact, Ma'am." Mabuti naman kasi baka maantala pa yung lakad ko mamaya kung natuloy yung meeting.

"Okay. Is that all?" Tanong ko at itinuon ulit ang paningin sa laptop.

"Yes Ma'am. You can now continue talking to your jowa. Alis na po ako."

"Umalis ka na talaga. Nanggigil rin talaga ko sa 'yo, Buern." Narinig ko naman ang tawa nito habang palabas na ng office.

Itinuon ko na ang atensiyon ko sa laptop at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Ilang oras pa ang lumipas, sa wakas ay natapos na rin ako. Nakaramdam naman ako ng pangangalay kaya tumayo ako and did some stretching.

5:58 PM

Malapit na palang mag-alas-sais. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ion. Matapos ang ilang rings, sinagot na niya ito.

"Hello Babe! On the way ka na ba?"

(Oo. Malapit na ako diyan.)

"Sige. Bababa na rin ako. See you!"

(See you!)

Sinara ko na yung laptop ko at inayos ang mga gamit ko sa mesa. Nag-retouch din muna ako bago lumabas. Nadaanan ko naman si Buern na mukhang pauwi na rin.

"Uuwi ka na, Buern?"

"Opo. Kaso hihintayin ko pa yung jowa ko. On the way na daw eh." Nakangiting sabi niya at talagang in-emphasize pa yung salitang jowa.

"Taray! May jowa siya." Pang-aasar ko.

"Of course naman, Ma'am. Hindi pwedeng Boss lang yung may lovelife dapat pati yung empleyado rin." Confident niyang wika.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon