Chapter 24

793 39 10
                                    

VICE'S POV

Matapos ang party, balik normal na ulit ang buhay namin. Abala ako sa kumpanya samantalang si Ion naman ay sa restaurant.

Unti-unti ko na ring kinakalimutan ang mga nangyari doon sa party ni Sandra. Araw-araw kasi ay bumabawi si Ion at palagi niyang pinapakita at pinaparamdam sa 'kin na ako lang ang laman ng puso niya. Walang kahati. Walang iba. Ako lang.

Paminsan-minsan ay binibigyan niya ko ng bulaklak, chocolates, at kung ano-ano pang mga bagay na naiisipan niyang ibigay. Parang bumalik ulit siya sa panliligaw. Halos tuwing linggo rin kaming lumalabas at dinadala niya ako sa mga lugar na gusto niya akong dalhin.

Paghihinalaan mo pa ba ang nobyo mo kung ganito ang palagi niyang pinapakita sa 'yo? Hindi na diba? Sobra-sobra pa nga ang ginagawa niya para lang maiparamdam niya ang pagmamahal na iniaalay niya para sa 'kin.

"Babe, hindi muna ako papasok ngayon sa office." Umupo ako sa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Bakit naman? May sakit ka ba?" tanong niya habang nginunguya ang pagkaing nasa bibig. Tumayo siya at inabot ang noo at leeg ko tiyaka nilagay ang likod ng palad niya dito.

Natatawa kong hinawi ang kamay niya. Napasimangot naman siya dahil dito.

"Wala akong sakit. Ang OA mo."

"Concern lang ako sa 'yo. OA agad." nakangusong wika niya tiyaka umupo ulit at pinagpatuloy ang pagkain.

Sumubo muna ako ng pagkain bago nagsalita.

"Wala naman kasi akong sakit. Hindi ako papasok ngayon kasi pupunta ako kina Anne." Tiningnan niya ulit ako at kinunutan ng noo.

"Na naman?" naniniguro niyang tanong.

Halos tuwing araw ng Sabado kasi ay pumupunta ako sa bahay nina Anne. Nagpapaturo ako sa kanyang magluto. Nagulat ba kayo? Ako nga rin e. Hindi ko inakalang darating ang araw na magkakaroon ako ng interes sa pagluluto.

Pero ang talagang totoong rason kung bakit nagpapaturo ako sa pagluluto ay dahil malapit na ang anniversary namin. Gusto kong i-surprise siya. Gusto kong magluto para sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na handa na akong maging maybahay niya.

Bukod sa rason na 'yon, gusto ko rin na kapag ikinasal na kami, ako ang magluluto para sa amin. Kapag galing siya sa trabaho at uuwing pagod, papakainin ko siya ng mga masasarap kong luto.

And yes, I am now sure na ikakasal kami. Hindi man namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yon, nararamdaman ko naman ang kasiguraduhan sa mga bagay na ginagawa niya at mga salitang kaniyang binibitawan.

"Uy!" Ilang beses akong napakurap nang makitang ilang dangkal na lang ang layo ng mukha ni Ion sa mukha ko. Agad ko namang inilayo ang ulo ko.

"Umayos ka nga diyan." sabi ko at itinulak ang mukha niya papalayo. Umayos naman siya ng upo.

"Hindi ka na kasi nagsalita diyan. Natutulala ka na lang bigla-bigla. Ganyan ka ba talaga ka-inlove sa 'kin?" nakangisi niyang usal at mataman akong tinitigan. Napaiwas tuloy ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng mukha ko. Umagang-umaga tapos ganyan ang mga banat niya. Sinong hindi kikiligin?

Itinuon ko na lang ang paningin ko sa pagkain para mabawasan ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Sira! May sumagi lang kasi sa isip ko kaya ako natulala. Wag kang assuming." pagtanggi ko sa sinabi niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Parang may kung anong naglalaro ngayon sa tiyan ko matapos kong marinig ang tawa niya. Mahinang tawa lang 'yon pero sa aking pandinig, para na itong musika na ang tema ay tungkol sa taong umiibig. Nakakakilig.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon