Chapter 17

887 37 11
                                    

VICE'S POV

Naalimpungatan ako nang may maramdamang yumuyugyog sa balikat ko.

"Babe, wake up," rinig kong sabi nito. Nanatili pa rin akong nakapikit.

"5 minutes," mahina kong sabi. Kinapa ko ang kumot at itinaklob sa mukha ko.

"Babe naman, male-late na tayo. Kanina pa tumatawag si Vhong." Mas pinili ko na lang na hindi sumagot sa kanya at nagpanggap na tulog.

"Babe...." sabi niya pagkaraan ng ilang sandali.

"Sabihin mo na lang na susunod tayo. Mauna na lang sila kung gusto nila," inis na sabi ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata.

"Hindi pwede. Hindi ko alam ang daan papunta doon sa pupuntahan natin."

"What's the use of Waze, Ion?" Inalis ko ang kumot sa mukha ko at tiningnan siya.

"Tsk! Bumangon ka na nga lang. Hihintayin kita sa baba." Umalis na siya at lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakahiga pa rin.

Pagod na pagod pa ang katawan ko dahil sa dami ng trinabaho ko kahapon. Inaantok pa ako.

Kainis naman kasi! Bakit naman ang aga naming aalis? Hindi naman siguro magsasara yung campsite na pupuntahan namin kapag mamaya pa kami pupunta.

Nag-inat muna ako para tuluyang magising ang katawang-lupa ko. Matapos ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo.

Matapos maligo at makapag-ayos, bumaba na ako. Pagdating sa kusina, naabutan ko siyang naghahanda ng almusal.

"Kain na tayo." Umupo na ako matapos niyang sabihin yun.

Mabuti na lamang at nakahanda na ang mga gamit na dadalhin namin. Thanks to Ion na nag-asikaso ng lahat. Maging tent ay mayroon na rin kami. Perks of having a maasikaso na boyfriend.

Matapos naming kumain, siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Umakyat naman ako sa kwarto para ibaba ang mga gamit namin. Dalawang malalaking backpack, tig-iisa sa amin, at isa pang bag na naglalaman naman ng toiletries ang dinala namin.

Pagkababa ko ng mga gamit, lumabas na kami ni Ion sa unit at dumiretso sa bahay nina Vhong.

Pagkadating namin doon, nandoon na si Karylle kasama ang asawa niyang si Yael. Bumeso muna kami sa kanila tiyaka umupo sa upuang kaharap nila.

"Kayo pa lang?" I asked.

"Oo pero padating na rin mayamaya sina Jhong at Maia." sagot ni Karylle.

"Sabi ko sayo ang aga-aga pa. Nagmamadali kang pumunta dito," baling ko kay Ion.

"Nakakahiya naman kasi kung tayo ang mahuhuli tapos paghintayin natin sila." Hindi ko na siya inimik pa. Sumandal na lang ako sa balikat niya at pumikit. Inaantok pa talaga ako.

Naririnig ko pa silang nag-uusap-usap ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. Ilang sandali pa, narinig kong may mga naglalakad palapit sa 'min. Minulat ko ang mga mata ko. Sina Jhong at Maia.

"We're here!" ngiting-ngiti na bungad ni Jhong.

"At masaya ka pa talagang nahuli ka sa pagdating," mataray kong saad.

"Hoy Viceral! Nauna ka lang sa 'min sa pagdating, nagyayabang ka na diyan. Sino kaya sa 'tin ang parating huli kung dumating sa meeting place noon?" Inirapan ko na lang siya. Totoo naman kasi na ako ang parating huli noon. Kasalanan ko ba kung maaga silang dumadating? Syempre kasalanan nila yun.

Nagsitayuan na kami at kanya-kanyang bitbit ng mga bag. Dumating na rin sina Vhong at Tanya, ang may pakana ng lahat ng ito.

Lumabas na kami ng bahay nila. Nadatnan namin ang isang van na naghihintay sa 'min. Sumakay na si Vhong sa driver's seat at katabi naman niya si Tanya. Kami naman ay sumakay na rin sa loob.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon