Chapter 32

781 39 12
                                    

VICE'S POV

Mahigit isang linggo na kaming nananatili rito sa Taiwan. Halos lahat na rin siguro ng mga pwedeng puntahan na malapit dito sa Taipei ay napuntahan na namin.

Sa katunayan, kakarating lang namin dito sa hotel. Galing kami sa isang park na malapit lang dito. Nagyaya kasi si Karylle na mamasyal daw ulit kami.

"Ang ganda talaga rito sa Taiwan 'no?" nakangiting wika ni Anne. Nandito kami sa hotel suite ko ngayon. Ewan ko ba sa kanila kung bakit pinili nilang tumambay dito.

"Oo nga e. Ang saya dito. Stress-free ang buhay." pagsang-ayon naman ni Karylle sa itinuran ni Anne.

"Uwi na tayo. Balik na tayo sa Pinas." mahinang sabi ko. Gusto ko na kasi talagang umuwi.

"Bakit ba gustong-gusto mo ng umuwi? Ang saya kaya dito." nakataas ang kilay na tanong ni Anne.

Gusto ko na talagang umuwi e. Halos araw-araw ko rin silang niyayayang umuwi pero ayaw nila. Masaya raw kasi dito at payapa ang buhay.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman ang sinasabi nilang saya. Hindi ko maramdaman yung kapayapaan. Sinasabi nilang masaya ang manatili rito pero bakit pakiramdam ko mas masaya sa Pinas? Bakit pakiramdam ko mas makakaramdam ako ng kapayapaan doon?

"Let me guess, miss mo na si Ion 'no?" sabi ni Karylle. Natahimik ako.

Miss ko na siya?

Oo. Miss na miss ko na siya at siya ang dahilan kung bakit gusto ko ng umuwi. Kahit na alam kung hindi pa maayos ang relasyon namin, umaasa pa rin akong magkakaayos kami.

Yumuko ako.

"Sis, I already told you diba? Mag-enjoy ka muna dito. Saka mo na siya problemahin. For now, sarili mo muna ang unahin mo." Kung ganoon lang kadali, noon ko pa sana ginawa. Pero wala e, hindi ko kaya.

"Alisin mo muna si Ion sa utak mo, Vicey. " Karylle said. Nag-angat ako ng tingin.

"Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang alisin sa utak ko, sa puso ko, at maging sa sistema ko. Bahagi na siya ng pagkatao ko e." malungkot kong wika. Totoo naman kasi e, mahihirapan akong gawin ang gusto nila.

Bumuntong-hininga si Anne.

"Okay fine. Hindi ka na namin pipilitin. You know what, why don't you take a bath para naman maging okay ka kahit papaano. Aalis na muna kami." Tumayo na silang dalawa. Inihatid ko lamang sila ng tingin hanggang sa maisara na nila ang pinto. Naiwan naman akong mag-isa.

Baka pag tumagal pa kami dito ay tuluyan na akong mabaliw. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw kung ilang linggo mo ng hindi nakakausap o nakikita man lang ang taong mahal mo? Hays.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Sa tingin ko ay kailangan ko ngang maligo para mahimasmasan ako. Maski ako ay kinakabahan sa sarili ko. Baka kasi sa sobrang pagkamiss ko kay Ion, iwan ko na lang sina Anne at Karylle dito at mag-isang lumipad pabalik ng Pilipinas. Ayoko naman nun. Baka mawalan pa ako ng kaibigan kapag nagkataon.

Nagsimula na akong maligo at dinama ang malamig na tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Mabilis ko namang tinapos ang pagligo ko at nagpalit na ng damit. Matapos kong makapag-ayos, may natanggap akong text.

From: Sisterette Anne
We're here in the resto. Bumaba ka na para makapag-dinner na tayo.

Napatingin ako sa may bintana at nakita ang madilim na kalangitan. Gabi na nga. Hindi ko man lang namalayan ang oras.

Tinapos ko na ang mga ginagawa ko at nagmamadaling bumaba. Gutom na ako e. Pagkadating sa resto, nakita ko agad sila sa may bandang dulo. Doon kasi ang pwesto namin palagi kapag kumakain kami rito.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon