Chapter 31

835 49 16
                                    

VICE'S POV

"Vicey, gising na. We're already here in Taiwan."

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Karylle. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko.

Nakita kong isa-isa nang nagsisilabasan ang mga tao. Tumayo na kami ni Karylle at lumabas na rin. Nadatnan namin si Anne sa labas.

"What took you so long?" tanong ni Anne pagkalabas namin.

"Tulog-mantika kasi itong kasama ko. Ang hirap gisingin." sabi ni Karylle. Inirapan ko lang sila pareho bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makalabas ng airport, inaasahan kong tatawag agad sina Anne ng taxi ngunit nanatili lamang kaming nakatayo roon. Bakit hindi pa sila maghanap ng masasakyan? Anong hinihintay nila?

"Hanggang dito na lang ba tayo? Hindi man lang ba tayo maghahanap ng masasakyan?" sabi ko.

"Hindi ka ba makapag-antay?" mataray na sabi ni Anne. Ano pa ba kasing inaantay niya? Nakakapagod kayang tumayo dito.

"Finally!" bulalas ni Anne. Napalingon naman ako sa tinitingnan niya. Isang itim na kotseng paparating.

Huminto ito sa tapat namin. May bumabang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay isang Pinoy din. Kinuha niya ang mga bagahe naman tiyaka ito inilagay sa likod ng sasakyan. Pinagbuksan niya rin kami ng pinto at pumasok doon sina Anne at Karylle kaya sumunod na rin ako.

"Kanino 'to?" hindi ko na napigilang magtanong. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka e sa pagkakaalam ko, wala naman kaming kaibigan dito.

"My sister in law own this car. Sa hotel niya tayo tutuloy." sagot ni Anne. Alam kong may kapatid si Erwan pero hindi ko alam na dito pala sa Taiwan yun nakatira.

Ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa isang hotel. Hindi lang ito basta-bastang hotel, it's a luxurious kind of hotel. Sa ganda nito, masasabi kong mga mayayaman lamang ang may kakayahang maglagi dito. Sa labas pa lang, nagsusumigaw na ang mga mamahaling mga disenyo. Hindi ko maisip kung gaano kaganda ang mga hotel rooms dito.

Nang tumigil ang sasakyan, pinagbuksan ulit kami nung lalaki. Ibinaba rin niya ang mga gamit namin. Nang makapasok kami sa loob, may isang napakagandang babae ang sumalubong sa 'min. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang tinutukoy ni Anne na kapatid ni Erwan.

Nagbeso-beso muna ang dalawa habang kami ni Karylle ay nanatili lamang sa likod ni Anne. Matapos ang ilang minutong pag-uusap nila, humarap na sila sa 'min.

"By the way Soleen, these are my friends, Vice and Karylle." pakilala ni Anne sa 'min.

"Hi, I'm Vice."
"Hi, I'm Karylle."

"Nice meeting you, guys. I'm Soleen Heussaff, by the way." nakangiting pakilala nito.

Matapos ang ilang sandali pang pa-uusap, nagpaalam na si Soleen sa 'min dahil may lakad pa raw siya. Ibinilin naman niya kami sa isang staff ng hotel. Iginiya kami nito papunta sa hotel rooms namin.

"Anne, hindi ba malaki ang babayaran natin dito?" nag-aalalang tanong ko.

Baka kasi mamulubi kami sa laki ng babayaran namin dito. Sobrang ganda kasi talaga ng hotel na 'to. Pangmayaman. Maski itong sahig na nilalakaran namin ngayon, sobrang kintab. Kaunti na nga lang ay pwede ka ng manalamin. Nakakapanghinayang kung tatapakan kasi baka mabahiran ng dumi.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon