Chapter 5

1.1K 56 21
                                    

VICE'S POV

"Mamaya na ulit. Pagod na ko"

"Anong mamaya na? Kung kailan malapit na tapos dun ka na titigil? Ion naman" tiningnan ko siya ng masama kaya lumapit na ulit siya sa akin.

"Kanina pa kasi nating ginagawa 'to pero di naman tayo matapos-tapos. Di ka pa ba napapagod?"

"Nakakaramdam na rin naman ako ng pagod pero kasi, mas magandang ngayon na natin gawin 'to habang ginaganahan pa ko" tumahimik naman na ito kaya tiningnan ko siya at nahuling nakatitig sakin.

"Ano pang hinihintay mo? Dali na!" hindi pa rin ito umimik at nanatiling nakatitig sa akin.

"Ikaw ah, pinagnanasaan mo na naman itong katawan ko" napangisi naman siya matapos kong sabihin yun.

"Ano bang pagnanasaan ko diyan? Maski nga dibdib mo wala man lang kalaman-laman" kung nakamamatay lang ang tingin, malamang sa malamang, nakabulagta na siya ngayon.

"Ah ganun? Naghahanap ka ng malaman na dibdib? Eh di umalis ka dito at maghanap ka ng bagong jowa" tinalikuran ko na siya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga damit namin.

Kaninang umaga lang kami lumipat dito sa condo at dahil Linggo ngayon at wala kaming ibang gagawin, nagdesisyon akong ngayon nalang namin ayusin ang mga dinala naming gamit dito. At ngayon, nag-aayos na kami ng mga damit niya. Totoo ang sinabi niyang kanina pa namin ginagawa ito. Paano ba naman kasi eh mas madami pa sa mga damit ko ang dinala niya. It just took me 1 hour and 30 minutes para maayos lahat ng damit ko pero yung sa kanya, natapos nalang ang dalawang oras pero hindi pa kami tapos.

Naguguluhan na nga ako kung ako ba talaga ang bakla samin o siya. Ang dami kasing arte.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sakin mula sa likod. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko nung maramdaman ang hininga niya sa may bandang tenga ko.

"Napakaseryoso naman ng Babe ko. Biro lang po iyon. Ikaw lang naman mahal ko eh" alam ko namang biro lang yung sinabi niya kanina pero hindi ko pa rin maiwasang mainis at matakot kasi baka dumating ang araw na magsawa siya sakin at maghanap ng iba. Maghanap ng tunay na babae.

"Bumitaw ka na nga. Ang init-init eh. Tulungan mo nalang akong mag-ayos dito" bumitaw naman siya at tinulungan na ulit ako.

Itinaas ko naman ang pajama na suot ko hanggang sa umabot ito sa tuhod. Dapat kasi spaghetti strap ang susuotin ko at short shorts para hindi masiyadong mainit pero hindi natuloy dahil dito sa kasama ko. Sinabi niyang wag na wag ko daw susuotin yun dahil baka may biglang bumisita samin at maabutan akong ganun ang itsura. Kaya wala na akong nagawa kundi itago nalang ulit ang mga yun at magsuot ng pajama at t-shirt. Mahirap na kasi, baka topakin pa siya.

Matapos ang 123456789 years, sa wakas ay natapos na rin kami. Sabay naming ibinagsak ang katawan namin sa kama.

"Natapos rin" bulong niya.

"Mabuti nalang talaga. Sa dinami-rami ba naman kasi ng mga damit mo, akala ko hindi na tayo matatapos. Bakit ba kasi ang dami ng dinala mo?" tanong ko. Ibinuka ko ang mga kamay ko dahil sa init. Air-conditioned naman itong condo pero iwan ko ba kung bakit ang init pa rin.

"Eh sa dito na ko titira kaya dinamihan ko na yung dinala ko" tumingin naman ako sa kanya at nakitang seryoso ang mukha nito.

"Lahat na ba yun? Wala ka na bang itinira dun sa bahay niyo? Wala ka na bang balak umuwi sa inyo paminsan-minsan?"

"Meron" maikling sagot niya.

"O eh anong susuotin mo kapag dun ka natulog sa bahay niyo, aber? Di ka man lang nag-iwan ng damit dun sa bahay niyo" ibinalik ko ulit ang paningin ko sa kisame.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon