Chapter 26

812 41 24
                                    

VICE'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang mula ngayon, anniversary na namin ni Ion.

Nai-excite ako at kinakabahan at the same time. Excited akong ipatikim sa kanya ang mga luto ko pero kinakabahan naman ako sa magiging reaksiyon niya. Baka hindi siya masarapan. Chef pa naman 'yun, nakakahiya kung maging palpak 'yong luto ko.

Pero kahit maging palpak o hindi yung luto ko, sana ma-appreciate man lang niya yung effort ko. Ilang Sabado rin ang ipinunta ko kina Anne para lang matuto tapos babalewalain niya lang? Batukan ko kaya siya?

And speaking of pagpunta kina Anne, pupunta na naman ako sa kanila ngayon. Ito na yung huling beses na pupunta ako doon.

Nakaupo ako ngayon sa may kama at hinihintay si Ion na matapos at lumabas sa walk-in-closet. Habang wala pa siya, nag-iisip ako ng pwedeng idahilan ko para pumayag siyang pumunta ako kina Anne.

Minsan kasi hindi siya pumapayag pero wala rin naman siyang nagagawa, ako ang boss e.

Halos lahat na rin ng pwede kong rason, nasabi ko na sa kanya. Nahihirapan na tuloy ako kung ano naman ang sasabihin ko ngayon. Pilit kong pinapagana ang utak ko para makaisip agad ngunit wala talaga e. Blangko.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang lumabas si Ion na nakaayos na.

"O, bakit ganyan ang reaksiyon mo?" tanong niya nang mapansin ang gulat sa mukha ko.

"A-ah nagulat kasi ako sa paglabas mo." Wala na akong nagawa pa nang biglang lumabas 'yon sa bibig ko. Tiningnan niya ko na para bang tinatanong na "Ano namang nakakagulat dun?".

Lumabas na siya ng kwarto kaya sumunod agad ako sa kanya.

"Ah Babe, maayos ba ang tulog mo kagabi?" Lumingon siya na waring nagtataka sa iniaakto ko. Maski ako naninibago kasi hindi ko naman usually tinatanong sa kanya ang mga ganito. Pero kailangan ngayon e. Kailangan ko munang malaman ang mood niya bago ako dumiretso sa pakay ko. Baka kasi bad mood siya tapos mauwi lang 'to sa away.

"Okay naman." sagot niya na halatang nagtataka pa rin.

Pagdating sa may kusina, kukuha na sana siya ng plato para sa aming dalawa ngunit agad ko siyang inunahan. Wala naman siyang nagawa at umupo na lang. Ako na rin ang naghain ng almusal namin na kanina pa niya niluto.

"Babe, ang gwapo mo ngayon." sabi ko habang kumakain kami. Tumingin naman siya sa 'kin at tinitigan ako.

"May problema ba?" bigla niyang tanong. Sumibol ang kaba sa dibdib ko.

"W-wala naman." nauutal na sabi ko.

"Talaga?" Bumuntong-hininga ako at sinalubong na rin ang tingin niya.

"Actually, may sasabihin sana ako." dahan-dahang sabi ko.

"Ano 'yon?"

"Pupunta sana ako ngayon kina Anne." mahinang sabi ko at yumuko. Hinahanda ko na ang sarili ko sa sermon niya. Nag-iisip na rin ako ng ida-dahilan.

Ngunit salungat sa inaasahan ko ang sinabi niya.

"Okay." Mabilis akong tumingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Okay? Himala yatang walang sermon mula sa kanya ngayon.

"Okay? As in, payag ka? Ayos lang sa 'yo?" paniniguro ko pa. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig.

"Oo naman." kaswal na wika niya. Nakahinga ako ng maluwag.

Wala pa lang sense yung kaba ko kanina. Sayang lang yung pag-iisip ko ng mga pwedeng rason. Papayag rin pala siya agad.

Pero nakakapanibago. Bakit yata ang bilis niyang pumayag ngayon? Hindi katulad dati na muntik pang mauwi sa away yung nangyari. Pero ayos na rin 'to, at least pumayag agad siya. Hindi na ako mahihirapan sa pangungumbinsi sa kanya.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon