Chapter 20

843 45 20
                                    

VICE'S POV

Mag-isa akong naglalakad papalabas ng building ng V&M. May iilang empleyado ang bumabati sa 'kin papalabas.

Maaga akong uuwi ngayon. Natapos ko na kasi lahat ng gagawin ko para sa araw na ito.

Wala ring susundo sa 'kin kaya kailangang umuwi ng maaga para hindi maabutan ng traffic. Mahirap na.

Tumawag kasi si Ion kanina. Sinabing hindi daw ako masusundo dahil may importanteng pupuntahan at baka gabihin sa pag-uwi. Wala naman akong ibang choice kung hindi mag-commute na lang pauwi.

Nasa labas na ako at naghihintay ng taxi. Bigla namang may humintong kotse sa tapat ko. Bahagya akong napaatras.

Binaba ng nasa passenger seat ang bintana. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Catriona.

"Hey!" bati niya. Nakangiti pa siya.

"Hi!" Ngumiti rin ako.

"Wanna join us? Pupunta kami ng mall." Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa may driver's seat. Hindi ko ito mamukhaan dahil nakabaling ang mukha nito sa kabilang direksiyon. Mukha ring may kausap sa telepono.

Mall? Baka pag sumama ako sa kanila, magmukha akong third wheel. Baka kasi boyfriend niya yung nasa driver's seat.

"Wag na. Nakakahiya naman kasi sa inyo." tanggi ko.

"Oh come on, Vice. Set aside that hiya and join us. Wala ka na rin namang work, I guess." pamimilit pa niya. Tumango na lang ako. Bahala na.

Mabuti na rin siguro 'to kaysa sa mag-isa ako doon sa unit. Wala rin namang naghihintay sa 'kin.

Binuksan ko na ang pinto sa backseat at doon umupo.

"Let's go, Love." rinig kong sabi ni Cat.

Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag. Doon ko itinuon ang atensiyon ko.

"Okay na?" Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ang boses na yun. Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang taong nagmamay-ari ng boses na yun.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Dumapo ang paningin ko sa rear-view mirror at doon nakita ang taong matagal ko ng hindi nakikita.

"Zanjoe?" usal ko. Napalingon siya sa pwesto ko.

"Vice? Ikaw nga! Long time no see." masayang aniya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkita kami. Ilang taon na ba magmula noong huling pagkikita namin? Hindi ko na maalala. Sobrang tagal na.

"You know each other?" Nabaling naman ang atensiyon namin kay Cat nang magsalita ito.

"Oo. Magkaibigan kami, Love." Kumunot naman ang noo ko sa tinawag niya kay Catriona.

"Love? Mag-jowa kayo?" gulat kong tanong. Nagkatinginan naman sila at sabay ring nag-iwas ng tingin. Parang mga teenager lang. Hays!

"Walanghiya! Small world!" bulalas ko.

"Yeah right. I think, you have a lot of catching up to do." wika ni Cat.

Talaga. Sa tagal ba naming hindi nagkita, ang dami naming dapat na ikwento sa isa't isa.

Hindi naman talaga kami close ni Zanjoe noon. Pero masasabi kong naging malaking parte rin siya ng buhay ko.

Nagsimula nang magmaneho si Zanjoe. Walang tigil naman sa kaka-kwento si Catriona tungkol sa relasyon nila ni Zanjoe.

Ayon sa kanya, doon sila nagkita ni Zanjoe sa school na pinagtatrabahuan niya. Doon kasi nag-aaral ang pamangkin ni Zanjoe. Siya kasi ang naghahatid at nagsusundo dito.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon