Chapter 11

1K 48 1
                                    

VICE'S POV

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Pagtingin ko sa kaliwang bahagi ng kama, wala akong nakitang nakahiga roon o kahit bakas man lang niya. Tanging cellphone ko lamang ang bumungad sa 'kin.

Teka? Sa pagkakatanda ko, ipinatong ko sa mesa yung cellphone ko kagabi. Bakit nandito na 'to sa tabi ko? Aish! Nevermind.

Kinapa ko ang mesa malapit sa 'kin at may nahawakan akong.....baso? Pagtingin ko dito, isang baso ngang may lamang gatas at may sticky note pa.

Drink this. I'll wait for you in the kitchen :*

Your Babe,
Ion

Natawa naman ako ng beri slight doon sa "Your Babe" niya. May pa-kiss pa talaga siyang alam.

Ano namang pakulo 'to? Pambawi ganun? As if namang madadaan niya ko sa paganito niya.

Matapos kong inumin yung gatas, naligo na ko at naghanda para pumasok sa opisina. Bitbit ang bag ko, lumabas na ko ng kwarto. Nasa hagdan pa lang ay amoy na amoy ko na ang mabangong aroma ng niluluto ni Ion.

"Gising ka na pala. Maupo ka muna at ihahanda ko na yung pagkain." Nataranta naman siya at agad na inihain sa harapan ko ang mga pagkaing niluto niya.

Patuloy lamang ako sa pagtitig sa kanya habang inaasikaso niya ko. Ang sarap sigurong gumising araw-araw kapag ganito ang bubungad sa 'yo sa umaga. May taong mag-aasikaso sa agahan mo. May taong handa kang ipagluto. I can't help myself but to imagine him as my husband preparing for my breakfast. Siya yung tipo ng lalaking "husband material".

Kapag nagpakasal na ba kami, ganito pa rin kaya siya? Mag-aabala pa ba siyang asikasuhin ako? Ipagluluto niya pa rin kaya ako? Ganito pa rin kaya kami?

Ang tanong, kami pa rin kaya hanggang dulo? Sana....

"Kumain ka na." Bumalik ako sa ulirat nang inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin at ngumiti kaya agad ko namang nailayo ang mukha ko sa kanya.

"A-ano 'to?" Nauutal kong tanong habang nakatingin sa mga niluto niya.

"Breakfast mo." Nakangiti niya pa ring sagot.

What's with his smile? Nakalimutan niya bang hindi kami bati?

"Tss. Wag kang pilosopo. You know what I mean. So ano nga 'to? Para saan 'to?" I asked for the second time as I raised my one eyebrow at him.

"Pambawi. Sorry sa nangyari kahapon. Nadala lang ako ng selos ko. Sorry kong nasaktan kita. Mahal na mahal kita, Babe." Mahina niyang sabi.

"Sa tingin mo ba madadaan mo ko sa mga paganito mo? Matapos mo kong dedmahin kahapon pagkatapos iniyakan pa kita, alam mo ba yun?" May bahid ng inis na sumbat ko.

"Sorry na nga." Nagsimula na kong kumain at nanatili na rin naman siyang tahimik at nakatitig sa 'kin habang kumakain.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil naiilang na ko sa mga titig niya. Tagos na tagos eh. Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang bag ko at tumayo. Aalis na sana ako nang pigilan niya ko.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon