Chapter 2

1.3K 52 5
                                    

VICE'S POV

Nandito kami ngayon ni Ion sa may kwarto at magkayakap na nakaupo sa may kama. Nakasandal siya sa headboard habang ako naman ay nakasandal sa kanya.

Natapos nalang kami sa pagkain ngunit hindi pa rin dumadating sina Anne. Hindi ko nga alam kung may balak pa yung mga yun na pumunta ulit dito.

Kanina pa kaming nandito sa kwarto ngunit ni isa ay walang nagsasalita sa amin. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

"Uy, okay ka lang ba?" tanong nito habang pilit na sinisilip ang mukha ko.

"Oo naman. Teka, magpapalit lang ako ng damit" sabi ko sa kanya at tumayo na. Noon ko lang napagtanto na wala pa pala dito yung mga gamit ko kaya umupo nalang ulit ako sa kama paharap sa kanya.

"Bakit? Akala ko ba magpapalit ka?" nagtatakang tanong niya.

"Wala pala dito yung mga gamit ko" sabi ko sa kanya.

"Nandiyan na. Hinatid ni Vhong kanina" sabi nito na ikinapagtaka ko.

"Bumalik ulit sila dito? Bakit hindi sila pumasok?" tanong ko.

"May mga gagawin pa kasi sila eh. Babawi nalang daw sila sayo next time" napairap nalang ako sa kawalan at pumasok na sa walk-in-closet ko at nagpalit ng damit.

Nakalimutan kong hindi na pala kami mga estudyante na may maraming oras para sa mga lakwatsa. Nasa totoong mundo na pala kami kung saan kailangang trabaho na ang atupagin kaysa sa ibang bagay.

Matapos kong magpalit, lumabas na ko at nadatnan si Ion na nakahiga at mukhang nakatulog na.

"Ion, hindi ka ba uuwi?" bahagya ko pa siyang tinapik at dumilat naman ang mga mata niya ngunit makikita mo sa mukha nito ang sobrang antok. Mukhang napagod siya sa pagluluto kanina.

"Hindi na. Okay lang ba kung dito na ko matulog?" mahina niyang tanong kaya tumango nalang ako. Ipinikit na niya ulit ang mga mata niya at bumalik na sa pagtulog.

Tumabi na rin ako sa kanya sa paghiga at natulog na habang nakayakap kami sa isa't isa.

**********

Kinabukasan, maagang umuwi si Ion sa bahay nila dahil kailangan niyang pumunta sa school ng maaga. Ako naman ay maagang nagbihis dahil kailangan ko ring pumasok sa trabaho. Medyo malayo yun dito sa village na tinitirahan namin kaya baka maabutan ako ng traffic kung mamaya pa ko pupunta.

Inubos ko muna ang pagkaing hinanda para sakin ni Ion bago siya umalis kanina. Matapos yun ay nagsimula na kong baybayin ang daan papunta sa building ng V&M sakay sa kotse ko na ako mismo ang nagmamaneho. Mabuti nalang at natuto akong magmaneho noong nasa LA pa ako kaya hindi na ko mahihirapan kung may mga kailangan man akong puntahan.

Naipit pa ako sa traffic kaya mahigit isang oras din ang tinagal bago ako makarating sa V&M. Binati agad ako ng mga empleyado nang makapasok ako sa building.

Mahigit isang taon palang ang V&M at masaya ako dahil kahit papaano ay nagiging successful naman ito. Nakakaya rin nitong makipagsabayan sa ibang malalaking clothing line company sa bansa.

[Book 2] Contra Todo Pronóstico || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon