HINDI alam ni Ciel kung saan tutungo nang gabing iyon. Lumayas siya sa bahay ng kanyang mga magulang dahil sa pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking mas may edad sa kanya. Para sa pamilya niya ay isa siyang malaking kahihiyan.Ngunit hindi alam ng mga ito ang totoo. Kung bakit lagi niyang kasama ang lalaking iyon.
Few weeks ago, she met this man. He was 30 years older than her knowing that she's just 26 years old. They spent time together. They went out for dinner, get drunk together and shared life stories with each other. Pero sa simpleng bagay na iyon ay nasira ang tingin at tiwala sa kanya ng mga magulang.
Akala ng mga ito ay karelasyon niya ang lalaking iyon gayong isa lamang ito sa mga kaibigan niya na handa siyang damayan kahit na anong oras. Pero ngayon hindi niya pwedeng hingin ang tulong ng lalaking iyon dahil mas lalong magiging komplikado ang sitwasyon niya.
So, she did was to call the last person whom she knew would helped her.
"Tracey.." halos bulong niyang bungad nang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya.
Tracey is her friend but not her best friend. Magkakilala at magkasama sa golf club ang ama nila that made them friends.
"Ciel? Bakit napatawag ka ng ganitong oras?" Bakas sa boses ni Tracey na kagagaling lamang nito sa pagtulog.
She glanced at her watch and saw the time. It's almost midnight and she's still out in the street carrying her backpack.
"I ran away from home. Can I stay at your place?"
Narinig niya ang mabilis na pagbangon ni Tracey sa kabilang linya.
"You what?! Bakit ka naglayas? Nasaan ka ngayon?" Hindi siya nagkamali sa taong tinawagan. She knew Tracey is a nice person medyo weird nga lang dahil lagi itong tahimik.
"I'm currently at a convenience store near your place. Wala akong alam na ibang lugar na pupuntahan. I don't have friends to run into and you know why. Ikaw lang ang naisip ko na makakatulong sa akin."
She heard her sigh. "Okay, pupunta ako d'yan. Hintayin mo ako."
"Thanks, Trace."
Another sigh from Tracey before the call ended. She took a sip of coffee while she wait for Tracey. Kahit pera ay wala siya maliban sa natitirang laman ng wallet niya which is not more five thousand. Kailangan niyang pagkasyahin iyon hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Iniwan niya kasi ang lahat ng kanyang debit card, credit cards at atm card sa bahay nila. Ayaw niya na pati iyon ay isumbat sa kanya ng mga magulang.
She will live alone from now on. Ang tanging dala lamang niya ay ilang mga alahas niya na pwede niyang ibenta, ilang mamahaling damit at bags maging sapatos. She needs to survive by herself.
Napalingon siya sa entrance ng convenience store nang tumunog ang bell nito na nagsasabing may pumasok o lumabas sa store.
Napangiti siya nang makita si Tracey. Nakapantulog ito at itinali lang ang buhok para hindi halata na bagong gising. Wala ito kahit na anong make-up pero maganda pa rin ito. She was wondering why this woman has no romantic partner 'till now.
"Trace, thank you for coming," wika niya rito nang makalapit sa kanya.
Bakas sa mukha nito ang inis at pag-aalala.
"Ano bang pumasok sa isip mo, Ciel? Bakit ka naglayas sa bahay ninyo? Tito Cesar and Tita Mara would be so mad at you. They'll be looking for you. Umuwi ka na!" Tracey tried to convince her but she's determined to stay away from her parents.
"Mas gusto nila na wala ako, Trace. Believe me, they will probably throw a party if they knew I'm gone." Mapakla siyang tumawa. "So, matutulungan mo ba ako?"
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Tracey.
"Wala akong alam na lugar na matutuluyan mo pero may kilala ako na tutulong sa iyo." Inilapag ni Tracey sa harap niya ang isang litrato at maliit na papel. "Hanapin mo siya sa Gloria, Oriental Mindoro. Isa siya sa mga katiwala namin sa bahay na umuwi ng probinsiya nila. Mapagkakatiwalaan mo siya."
Kinuha ni Ciel ang maliit na papel.
"Francin Solas? Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ito?"
"Oo, mabait at mapagkakatiwalaan mo siya. All you have to do is to go to Mindoro and look for her. Nainform ko na rin siya tungkol sa iyo. Sinabi ko na din na hanapan ka na niya ng trabaho dahil sigurado akong buo na ang desisyon mo sa bagay na ito." Nag-aalala siyang tiningnan ni Tracey. "Ito ba talaga ang solusyon mo sa problema, Ciel?"
Nagkibit-balikat si Ciel saka kinuha ang litrato at inilagay sa bag niya.
"You know how much I hate my parents, Trace. This is freedom for me."
"Hindi ka sanay sa ganitong buhay, Ciel. Nabuhay ka na isinusubo sa iyo ang lahat ng gusto mo tapos ngayon mas pipiliin mo na maging isang pangkaraniwang tao. I can't believe you!" Namasahe ni Tracey ang noo sa sobrang konsumisyon sa kanya.
"Isinusubo nga nila sa akin lahat to the point na mabulunan na ako sa mga gusto nila na gawin ko. Kakayanin ko ang hirap, Trace. Malayo lang ako sa mga magulang ko." Buo ang loob na wika niya.
"Is this because of that man you were seeing lately? Hindi mo siya maitatanggi sa akin dahil ilang beses ko kayong nakita sa coffee shop at sa bar."
Napailing na lamang siya. Wala na siyang balak na pagsabihan pa ng tungkol sa lalaking 'yon pero hindi niya mapipigilan si Tracey lalo pa at ito ang tutulong sa kanya.
"Yes, it's because of him. Someone must have sent a photo of us to him kaya niya nalaman. Akala ni Dad ay karelasyon ko ang lalaking 'yon."
"Hindi nga ba, Ciel?"
Cielo Mari scoffed. "I am still in my right mind, Trace. Hindi ako nakikipagrelasyon sa mas matanda o mas bata sa akin. Besides, I don't do relationships."
"Dahil ba sa ginawa ni Axel sa iyo?"
She rolled her eyes. Bakit ba ang daming tanong ni Tracey? Gaano ba siya nito kakilala?
"Are you stalking me, Tracey Staheli? Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin?"
Tinaasan niya ito ng kilay para sindakin. Baka kasi sa kung saan mapunta ang mga pagtatanong nito. Hindi siya ang tipo ng tao na mag-oopen sa kung sino. Although, Tracey is a family friend, hindi niya pa pwedeng ipagkatiwala ang mga sekreto rito.
"No, I am not. Your mother told Mama about it and Mama told me."
"Hindi rin halata na chismosa kayong mag-ina." She rose on her feet and grabbed her back pack. "Aalis na ako bago ko pa malaman ang mga itsinismis ni Mommy sa inyo."
She walked towards the exit when Tracey called her.
"Call me when you need anything, Ciel." Tracey catched up to her. "Here. Take this."
Inilagay nito sa palad niya ang isang bungkos ng pera. Napangisi siya kay Tracey.
"Hindi ko tatanggihan ito. I badly need this."
Pagkasabi noon ay tuluyan na niyang iniwan si Tracey sa convenience store at sumakay sa bus patungong pier. Hindi siya dapat magtagal sa Manila dahil alam niyang any minute ay ipapahanap siya ng Dad niya sa mga tauhan nito.
She just want freedom.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Support my story.Thank you.
BINABASA MO ANG
The Chairman's Secret
RomanceIt was a clear mistake. Malaking pagkakamali na pumatol si Cielo Mari sa isang lalaking may asawa. Akala niya ay ito na ang lalaking bubuo sa kanya ngunit ito pala ang sisira at dudurog sa pagkatao niya. Isang madilim na nakaraan na nais niyang taka...