"Your question will be given by Ms. Philipps Academy 2009, Erich Madrigal." The host said while looking at the paper I picked.
I smiled as I looked at the former queen of our school. I stood with confidence and gave the best smile I have. I did not entertain the anxiety I am having. My mentor reviewed me the most common questions given in a beauty pageant and he gave me the best answers so I should not worry. I can win this pageant.
"Congratulations for being on the top 5 and here is your question, candidate number 6. If you were given a chance to live again, are you going to be another person?" She said while smiling.
Nanginig ang mga labi ko dahil sa tanong na iyon. Pinagdasal kong hindi maitanong sa akin iyan. Kahit na may perpektong sagot para sa tanong na 'yan ay iba ang gustong isagot ng isip, puso at kaluluwa ko pero hindi ko hahayaan na ito ang makapagpatalo sa akin. A subjective question needs a plastic yet heartwarming answer.
I smiled to the judge, to the crowd and to the host that offered me the mic. I flashed them the confidence I built for the past months I've been training.
"Thank you." I said sweetly to the judge before looking at the silhoutte crowd. "If I were given the chance to live again, I would still choose to be me. I know that there is a work in this world that I alone can do. There is a space in this world that I alone can fill. I will still choose to stand here in front of you and be part of this competition despite the flaws I have in my life today. There is no such thing as perfect that's why never in my life did I think of being another person because I can be a beautifully unique woman." I said with full confidence in my voice.
The crowd cheered for me not because they liked my answer but because they were asked to cheer for me. Medyo nasaktan ang damdamin ko ng maalala ang pahirapan na pakikiusap ng mga teachers namin para lang suportahan ako ng mga kaklase ko at ng buong batch namin. Kung hindi pa tinakot ang buong Grade 12 ng character deduction ay baka wala akong supporters ngayon.
Bumalik na ako sa pwesto ko at hinintay na matapos ang iba pang mga candidates na makasagot. Pinaghirapan ko ang pwesto ko ngayon. Simula noong pumasok ako sa eskwelahan na ito ay pinangarap ko ng maging reyna nito dahil nakita ko kung paano tingalain at idolohin ang bawat nagiging reyna ng paaralan. Pinaghandaan ko ito ng husto at ang saya ko noong sabihan ako ng adviser namin na ako ang representative ng Grade 12 kaya ipinangako ko sa sarili ko na dapat manalo ako.
After the Q&A, we were asked to leave the stage para makapag-retouch dahil coronation na. Walang kaba akong naramdaman dahil sigurado akong mananalo ako.
"Very good, Finn. Good job." Masayang sabi ng mentor ko habang nireretouch ako.
Nginitian ko naman sya at tinignan ang sarili sa salamin. Diamond face. Manipis pero makapal na mga kilay. Bahagyang singkit na mga mata na nagmukhang mata ng pusa. Button nose. Thin lips. Hindi ako nagagandahan sa sarili ko dahil hindi proportion ang mga features ko kaya hindi ganoon kataas ang kumpiyansa ko sa sarili. Binuo lamang ni Mami Sam ang confidence ko para sa pageant na ito.
Mula sa mukha ko ay lumipat ang tingin ko sa repleksyon na nasa likuran ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang nagtama ang mga tingin namin. Sinubukan kong alisin ang pait na nararamdaman ko nang makitang papalapit sya sa akin.
"Good luck, Finn." Sabi nya at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.
Tinignan ko sya sa salamin at binalik ang ngiting binigay nya. Tumalikod na sya at hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan sya ng tingin. The red off-shoulder mermaid gown accentuated her curvy body and made her fair skin shine more.
Inis akong napatingin sa damit ko. The long royal blue tube gown just made my olive skin tone pop. The fake cleavage and big boobs I have are the result of two push-up bras I am wearing. The only good thing about it is the hip-high slit that emphasized my long leg. Kahit pa sinabi ni Mami Sam na malaki ang tsansang manalo ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang mainggit sa gandang taglay ni Athena. Just like her name, she is really a goddess. Ang tanging pampalubag-loob ko na lang ay mas matangkad ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...