Chapter 11

3.4K 98 48
                                    

Mukhang si Caius ang naging swerte ko noong Pasko dahil mabilis kaming natapos sa pag-susurvey kaya agad rin kaming nag-hiwalay. Hindi na kami gaanong nag-usap ni Caius noong araw na iyon dahil masyadong nagkakagulo ang sistema ko.

Pinipigilan ko rin ang sarili ko na kausapin si Athena tungkol sa kanila ni Caius dahil ayaw kong bigyan nya iyon ng malisya. Gusto kong maayos nila ang relasyon nila pero ayaw kong isipin ni Athena na sinusulot ko si Caius kaya nanahimik na lang ako.

Ang weird nga dahil mukhang wala naman kay Athena ang pagkakalabuan nila ni Caius dahil ang saya nya. Pero sabagay hindi ko alam kung anong nangyayari kapag wala ng nakakakita sa kanya. I just hope that they fix their problem soon.

"Happy New Year, class!" Masayang bati ni Mrs. Supan pagkapasok nya sa classroom namin.

It's the first school day of the year and I think I will have a good year dahil masaya ang unang araw ng taon ko. I spent it with Lola Sol and Kitty and it is a day well spent.

Napa-sulyap ako kay Caius at nakita kong naka-ngiti syang kausap si Xavier kaya naisip ko na baka ayos na sila ni Athena. Napa-ngiti naman ako dahil ayaw kong nakikita syang malungkot.

Nagulat lang ako nang makita si Caius na kasabay na kumakain ang mga kaibigan sa carinderia. Tapos naalala ko na may sakit daw pala si Athena kaya absent sya ngayon. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa usual spot ko. Kung dati ay inuubos ko ang oras ng lunch sa carinderia, ngayon ay hindi dahil nandito si Caius.

Tahimik akong bumalik sa school at mabilis lang na dumaan ang oras hanggang sa matapos ang klase namin. Simula nang manligaw sa akin si Wayne ay hinahatid nya ako pauwi sa amin pero nasa America pa sya kaya wala akong choice kundi mag-tricycle na lang.

"Uuwi ka na ba, Finn?" Napa-lingon ako dahil sa tanong ni Caius.

"Ah oo. Hindi mo ba bibisitahin si Athena? May lagnat daw sya." Sabi ko pero hindi nagbago ang ekspresyon nya.

"Hatid na kita." Sabi nya pero agad akong umiling bilang sagot.

"I insist. Sabay na tayong pumunta sa inyo." Sabi nya.

Wala na akong magawa kundi um-oo. Ayaw kong isipin nyang nagpapa-importante ako kaya sumunod na ako sa kanya sa parking lot. Sumakay kami sa isang kotse at nanatili lang akong tahimik sa buong byahe at ganoon din sya.

"Thank you, Caius." Sabi ko bago bumaba.

Kumunot ang noo ko nang makita na may mga maleta sa front door at nang pumasok sa gate ay nalaman ko na akin ang mga maletang iyon.

"Bakit nasa labas ang mga maleta ko? Manang Leni? Ate Joy? Ate Ann?" Bahagyang sigaw ko habang papasok ng bahay.

Naramdaman ko naman ang pag-sunod sa akin ni Caius. Hindi ko pinansin ang nag-uumpisang kaba sa dibdib ko at hindi in-entertain ang ideyang papalayasin ako ni Tita Karen dahil alam kong hindi papayag doon si Daddy.

Lumabas naman si Manang Leni mula sa kusina at lalong kumunot ang noo ko nang makita na hindi sya naka-uniform. Malungkot syang tumingin sa akin bago sa taong nasa likuran ko tapos ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa sofa.

"Anong nangyayari, Manang?" Naguguluhan kong tanong.

Sinulyapan ko si Caius na naka-upo sa katabing sofa na mukhang naguguluhan din. Hinawakan ni Manang Leni ang dalawa kong kamay kaya lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko.

"Huwag kang mabibigla, Finn. Maniwala ka sa akin. Kinausap ko si Hilario pero mas nakinig sya kay Karen." Panimula nya.

"Ano po ba yun, Manang Leni? Naguguluhan ako." I said with slight irritation in my voice.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon